in , ,

“Ako ang biktima dito!” Suspek sa pagkitil sa Maguad Siblings, sinabing hindi siya pinagsisisihan ang ginawa

Nag viral ang kasong ito dahil sa umano’y real life story ng sikat na movie na “Orphan”.  Ang pangunahing suspek kasi sa nasabing insidente umano ay ang ampon mismo ng pamilya.

Disyembre 10, 2021, nang mangyari ang kagimbal gimbal na pagkitil sa Maguad siblings sa mismong tahanan ng mga ito.

 

 

Ang sinasabing kinupkop ng pamilya Maguad ay ang high school student na si Janice.

 

 

Mahigit apat na buwan na ang lumipas, umandar na ang kaso at patuloy ang paglalabas ng pamilya Maguad ng mga salaysay laban kay Janice at umano mga kasabwat nito.

 

 

Ikinuwento ni Lovella Maguad, ina ng mga biktima ang nangyari sa ikapitong araw ng pagdinig ng kaso kay Janice.

 

Ngunit dahil umano “bata” pa si Janice, maaari daw bumaba ang kasong kakaharapin nito sa kabila ng kagimbal gimbal na ginawa sa mga anak.

Ayon kay Mrs. Maguad, umabot ng 51 na s4ksak ang natanggap ni Crizville at halos maputol naman ang leeg ni Crizzlle sa ginawa ng mga suspek.

Sa kabila ng lahat, ni hindi man lang daw nakitaan ng anumang bahid ng pagsisisi mula kay Janice.

 

 

“Naka cross legs sa loob ng trial court at taas noong patingin tingin at lumulisik ang mga mata sa paligid.”

Salaysay pa ni Mrs. Maguad,

“Yung ipinakikita nyang kabaitan at paging magalang were all scripted Kasi sa pangatlong beses na pagkikita namin ni hindi man lng nag greet sa amin o nagmano as she used to do.”

 

Dagdag pa niya,

“O nagpapakita ng pagsisi o humingi ng tawad. Walang remorse. Para gusto pa niyang ipakita sa amin na kami ang may kasalanan. Ano ba ang treatment na binigay sa loob ng facility sa kanila? Yun ba ay nagbibigay ng opportunity for them to realize o reflect na MALI ang kanyang ginawa.”

 

 

Ipinipilit din daw ni Janice na siya ang ‘biktima’ sa nangyari.

“Ang sabi pa niya hindi daw siya nag sisi at pinanindigan na siya ay BIKTIMA.”

 

Bukod pa dito, tila kinuwestyon din ni Mrs. Maguad ang DSWD dahil sa pagsasabing ang mga batang pinapasok sa facility ay mga BIKTIMA lamang din.

 

 

Kaya umano ganun na lamang ang asta ni Janice sa kanilang paghaharap.

“Ano ba ang treatment na binigay sa loob ng facility sa kanila? Yun ba ay nagbibigay ng opportunity for them to realize o reflect na MALI ang kanyang ginawa o tolerating her cr1m3 and to encourage her to do the part 2?”

 

 

Narito ang buong pahayag ni Mrs. Maguad,

 

Mariel Padilla, hindi binibigyan ni Robin, todo kayod para mabili ang kanyang mga luho

Baron Geisler, pinaguusapan na naman dahil sa video ng pag aaway nila ng asawang si Jamie