in

Aljur Abrenica madamdaming kinanta ang awiting “Mahal Pa Rin Kita” sa gitna ng isyu nila ni Kylie Padilla

 

Tila kinaawaan ng marami si Aljur Abrenica dahil sa tila emosyonal na pag-awit niya kamakailan.

 

 

Ito ay sa gitna ng isyung kinakaharap niya ngayon ukol sa hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla.

 

 

Nang nagdaan na linggo ay mainit na usapin nga ang tungkol sa intrigang kinakaharap nina Aljur at Kylie.

 

 

Ito ay matapos kumpirmahin ni Robin Padilla na hiwalay na umano ang dalawa at third party ang tinuturong dahilan.

 

 

Kaya naman marami nang nadawit na pangalan at isinasangkot sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nina Aljur at Kylie.

 

 

Nabanggit ang pangalan nina Maika Rivera at Cindy Miranda, ngunit parehong pinabulaanan ng dalawang aktres ang paratang na ito.

 

 

Nadamay na din ang Kapamilya actor na si JM De Guzman at siyang itinuturong manliligaw daw diumano ni Kylie.

 

 

At muli ay itinanggi ni Kylie ang mga akusasyong ito at sinabing magkaibigan lang umano sila ni JM.

 

 

Hanggang sa nagbigay na din ng pahayag niya si Kylie ukol sa isyu ng hiwalayan nila ni Aljur.

 

 

Aniya, bukod sa kanila ni Aljur ay nahihirapan din sa sitwasyon ang kanilang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

 

 

Dumaan umano ang kanilang pamilya sa “process of recovering, healing, and moving on” sa mga nakalipas na buwan.

 

 

Kasunod din nito ang pagbabahagi niya ng paglilipat ng bahay kasama ang kanyang dalawang anak.

 

 

Samantala, kung ang mag-amang Padilla ay nagsalita na tungkol sa issue, nanatiling tahimik naman si Aljur ukol dito.

 

 

Tila idinaan na lang ng aktor sa isang madamdaming kanta ang pinagdadaanan.

Isang video nga ni Aljur ang viral ngayon online kung saan tila emosyonal na kinakanta ang awiting “Mahal Pa Rin Kita.’

 

 

Marami ang nakapansin na damang dama ni Aljur ang bawat linya ng kanta na kanyang sinasambit.

May mga nagsabi rin na bagay ang kanta na pahiwatig para kay Kylie.

AJ Raval, may ibinuking tungkol sa kanila ni Ronnie Alonte na ikinagulat ng lahat

Isang Sikat Na Loveteam Ginulat Ang Marami Matapos Ipakilala Sa Publiko Ang Kanilang Bagong Silang Na Anak