in , ,

Ana Jalandoni, sa wakas ay binasag na ang katahimikan, emosyonal na isinalaysay ang totoong naganap sa pagitan nila ni Kit Thompson

Naging malaking usapin sa social media ang pisikalang naganap sa celebrity couple na sila Kit Thompson at Ana Jalandoni nitong nakalipas na Linggo.

 

 

Hindi inaasahan ng marami ang biglaang pagkalat ng mga larawan na ni Ana na bugb0g ang mukha at umanoy sinaktan ng noo’y karelasyong aktor na si Kit.

 

 

Naging tikom ang bibig ng dalawang kampo ukol sa totoong nangyari. Hanggang sa basagin na ng aktres ang kanyang katahimikan at buong tapang na humarap sa isang presscon.

 

Makikita sa live video ng Bandera na bakas pa sa mukha ni Ana ang masalimuot na nangyari umano sa mga kamay ni Kit.

 

Pagsasalaysay ng aktres, matinding selos umano ang nakikita niyang dahilan upang mapagbuhatan niya ng kamay ni Kit. Hindi kasi lingid sa kaalaman ng aktor ang nangyari kay Ana at sa ex nito.

 

 

 

 

 

 

 

“Siguro sa isip niya is parang iiwan ko rin siya dahil ginawa ko nga yun sa ex ko.”

 

 

Ibinahagi ni Ana ang naging paguusap nila ni Kit tungkol sa isyu ng pang iiwan ng huli sa nakaraang karelasyon, na naging ugat umano ng isang pagbabanta mula kay Kit.

 

 

 

“Ako kapag iniwan mo ko p4pat4y!n kita” 

Akin ka lang, di ka pwede mapunta sa iba, mahal na mahal kita.” 

 

 

 

Kalmado naman daw ang naging tugon ni Ana sa naging salita ni Kit, “Mahal kita, di kita iiwan”,  sabay halik sa ulo nito.

 

 

Pagkatapos daw ng paguusap nilang iyon ay nagtungo na ang aktres sa CR. Dito niya tinawagan ang kaibigang nag ngangalang Victoria upang ipaalam na nasa hotel nga sila at nakainom silang dalawa.

 

 

 

Kwento pa ni Ana, walang daw signal sa loob ng CR kaya ito lumabas ng pinto upang maghanap ng signal. Hindi naman inaasahan na makaidlip ito sa labas at doon na nga siya galit na hinanap ng aktor.

 

Pagbubunyag pa ni Ana, hindi ito ang unang pagkakataon na makatikim siya ng pananakit mula sa nobyo.

“Nung una niya akong nasampal, naisipan ko na ng hindi maganda, na mali po yung ganung attitude niya. May anger problem po siya mainitin ang ulo niya.”

 

Nang tanungin si Ana tungkol sa nararamdaman niya ngayon kay Kit, matagal na hindi nakaimik  ang aktres bago ito emosyonal na nakasagot.

“Mahal na mahal ko parin siya, hindi naman yun ganun kadali na mawawala, pero syempre po hindi ko naman deserve na mangyari ito sakin.”

 

 

 

Naging malaking hamon ngayon kay Ana kung ano ang mas papairalin, puso ba o kanyang dignidad?

Ang importante po sakin is ipaglaban ko po yung karapatan ko bilang babae. Hindi ko matanggap tanggap yung nangyari sakin. pero yung love po andun parin po siya.”

 

 

Sa ngayon ay ihinahanda na ng kampo ni Ana ang mga kasong isasampa laban sa dating nobyo. At wala parin inilalabas na pahayag ang kampo ni Kit tungkol dito.

Awra Briguela dalaga na! Ipinasilip ang kaganapan sa kanyang 18th birthday celebration

Julia mas mukhang yummy at fresh kumpara kay Bea kaya daw mas pinili ni Gerald ayon kay Manay Lolit