in

Andrea Brillantes isa-isang sinagot ang mga isyung ibinabato laban sa kanya

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na ang young Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ukol sa mga isyung kinasangkutan niya.

Trending nga ngayon si Andrea matapos ang nakakakilig na proposal sa kanya. Ng ngayon ay nobyo na niyang si Ricci Rivero.

At ayon nga sa dalaga ay nasa happiest momments daw siya ng kanyang buhay sa ngayon. Kaya naman handa na siyang linawin ang lahat ng mga isyung ibinabato laban sa kanya.

Kagabi, April 11, nag-live si Andrea sa kanyang Instagram account. At dito ay inisa-isa nga niya ang mga isyu. Partikular na ang tungkol sa kanila ni Seth Fedelin at pati na din ni Francine Diaz.

Sa unang pagkakataon nga ay inamin ni Andrea na naging magkasintahan sila ni Seth sa loob ng dalawang taon at tatlong buwan. Naghiwalay raw sila noon lamang October 2021.

“It was a painful breakup, but it was a mutual decision yung paghihiwalay namin. We both love each other truly and deeply. We’ve learned so much from each other, but in the end, we realized na we weren’t growing as individuals.

“Lahat ng fake news at pag-assume niyo sa relasyon namin, hindi totoo yun. We ended on good terms at yun naman ang importante,” paliwanag ni Andrea.

Pero aminado si Andrea na nasaktan pa rin siya nang makita ang viral picture nina Seth at Francine noong January 2021.

Totoo raw na pinatamaan niya ang dalawa nang i-post nito sa TikTok ang “Lose You To Love Me” ni Selena Gomez.

Pinabulaanan din ni Andrea ang lumabas noon na balitang sinugod daw niya si Francine sa dressing room.

Ani pa nga ng batang aktres, “I’m so tired of people portraying me as the bad guy based only on alleged rumors that have no truth. Pero I found my peace and I decided to forgive and forget.”

Matapos kay Julia Barretto, Lolit Solis kay Marian Rivera naman ikinumpara si Bea Alonzo

Donnalyn Bartolome, may pahayag tungkol sa masalimuot na pangyayari ngayon sa kaibigang si Zeinab Harake