in , ,

Single mom success story! Ang lahat ng hirap at tagumpay ni Toni Fowler bilang single mom

 

Isa si Toni Fowler sa sikat na vlogger ngayon sa bansa.

 

 

Hindi kaila sa publiko ang kanyang mga pinagdaanan, kahit pa sa personal niyang buha’y.

 

 

Isang open book ang kanyang istorya, na alam ng marami na nakakapanood at sumusubaybay sa kanya.

 

 

Unang lumabas sa industriya si Toni noong 2016, sa palabas na “A1 Ko Sa’yo W#t and W!ld Episode” Kasama niya dito sina Jaclyn Jose, Solen Heussaff at Gardo Versoza.

 

 

Ngunit mas nakilala siya bilang leader ng all girl dance group na RBr3ezy Babes.

 

 

Sikat na sikat ang kanilang grupo sa iba’t-ibang clubs and events bago pa man magkaron ng pandemya.

 

 

At mas lalo pa siyang pinag-usapan nang masangkot ang kanyang pangalan sa relasyon nina Jon Gutierrez at Jelai Andres.

 

 

Si Toni umano ang naging dahilan ng hiwalayan ng dalawa noong 2016 at 2019.

 

 

At magmula noon ay nag-umpisa nang umugong ang kanyang pangalan sa social media.

 

 

Hanggang sa naging kasintahan niya si Rob Moya at kinaaliwan ng marami ang kanilang mga vlogs sa YouTube.

 

 

Dito rin nagsimula ang pagiging sikat niyang vlogger, sa pamamagitan ng Toro Family.

 

 

Ngunit di nagtagal ang tamabalan nila ni Rob ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at nauwi sa hiwalayan.

 

 

At hindi maganda ang kanilang hiwalayan, iba’t-ibang issue ang naglabasan galing sa magkabilang kampo.

 

 

Na talaga namang sinubaybayan ng marami at nakarating pa sa programa ni Raffy Tulfo.

 

 

Sa gitna ng kanyang mga pinagdaanan, isa lamang ang pinaghuhugutan ng lakas ni Toni Fowler.

 

 

At ito’y walang iba kundi ang kanyang unica hija na si Tyronia.

 

 

Makikita sa mga vlogs ni Toni Fowler ang labis niyang pagmamahal kay Tyronia.

 

 

Mapapansin din ang magandang pagpapalaki niya sa bata. Malambing at magalang si Tyronia sa mga vlog.

 

 

Sa ngayon ay patuloy na nakikipaglaban si Toni sa hamon ng bu’hay bilang single mom.

Ito na Pala ang Masaya at Simpleng buhay ni Serena Dalrymple sa Amerika kasama ang foreign boyfriend

Larawan ni Ellen na ikinalat ni Derek Ramsay mabilis na nagviral