in

Awra Briguela, humingi nang Sorry kay Coco Martin dahil sa hindi pagtupad ng pangarap nito sa kanya

Hindi raw umano natupad ni Awra Briguela ang pangarap sa kanya ni Coco Martin kaya humihingi ito ng sorry sa aktor.

Ibinahagi ni Awra sa isang vlog interview sa komedyanteng si Petite ang  mga taong nais niyang pasamalatan at hingan ng tawad.

Isa nga sa nabanggit ni Awra sa mga taong hinihingan niya ng tawad ay lead star ng “FPJ’s Ang Probinsyano”. Kay Coco niya raw nakuha ang pagiging propesyonal sa trabaho at naging mentor niya ito.

“Si Kuya Coco lang yung isang tao lang na naghandale sa akin talaga sa acting career ko kasi never akong nag- acting workshop. Never akong nagpaturo sa iba na um-acting, siya lang talaga ‘yung nagturo sakin”

Talagang tinutukan raw siya ni Coco sa kanyang pag arte at ginawa siyang protege ng aktor.

“Sa lahat ng eksena ko, nasa likod siya ng camera, nasa tabi siya ng camera. Yung pagiging professional ko sa trabaho,’ yung hindi ako nale-late. Yung sobrang strict ko sa work, lahat ‘yun dahil kay kuya Coco,”

Pero nag so-sorry raw siya kasi alam niyang may mga bagay siyang nagagawa na hindi nito nagugustuhan. Gusto raw ni Coco na maging versatile actor siya, pero ang gusto niya raw talaga ay maging performer.

“Sorry kasi may mga bagay siguro akong nagagawa na hindi niya minsan nagugustuhan”.

” Gusto niya kasi talaga maging actor talaga ako. ‘ Yung as in Roderick Paulate, ‘yung kayang maglalaki, kayang magbakla. Versatile actor ang gusto niya sakin pero hindi yun ang gusto ng puso ko.”

Sa naturang vlog rin ay inanunsyo ni Awra na bago na ang kanyang manager at ito ay walang iba kundi si Vice Ganda.

For the win! Andrea Brillantes, nanood lang ng UAAP, nagka JOWA! Nagpropose sa harap ng maraming basketball fans

Toni Fowler itinaggi na scripted ang naging pag-aaway nila ni Rob Moya