in , ,

Baron Geisler, pinaguusapan na naman dahil sa video ng pag aaway nila ng asawang si Jamie

Trending na naman ngayon sa social media si Baron Geisler matapos kumalat ang video nila ng kanyang asawa habang mainit na nagtatalo.

Sa video na si baron mismo ang nag post, mapapanood ang mainit na diskusyon nilang mag-asawa.

Tila galit na galit si Jamie, asawa ni Baron habang nakatayo sa harap ng kama kung saan nakahiga ang aktor.

Ang naturang video ay naupload mismo sa sariling IG account ng actor kaya naman naging palaispan sa mga netizens kung sadya ba ito o 4ksidente lamang na naipost.

Matapos mag viral, naging topic ang videong ito sa isang episode ng “Showbiz Update” vlog ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi, Tita Jegs, at Brena. Chika ni Mama Ogs,

“Nasa kama si Baron tapos parang tumatalak ang misis niya at ang sabi, ‘Ano? Gusto mo magpasaklolo? Tawagan mo ‘yung sugar mommy mo. Ano? Gusto mo magpaano sa gwardya?’” 

 

 

Sa sobrang inis ng asawa ni Baron ay binato siya nito ng sabaw na tumama sa kanyang binti at kumalat sa kama.

Maririnig naman ang aktor na nagsalita sa video,  “Oh my God! What is this? Sinong kailangang i-rehab?”

Reaksyon ni Mama Ogs, tila gustong sabihin ng aktor na hindi siya dapat ang mag-rehab kundi ang asawa nito base sa inasal ni Jamie sa video.

RELATED: Baron Geisler, pinahanga ang marami sa ipinakitang malaking pagbabago, alang-alang sa kanya Baby Girl ata asawa

 

Bigla naman naitanong ni Mama Loi kung bakit nagtalo ang dalawa kung saan ang sabi ay malaki na nga ang pinagbago nitong si Baron.

 

Bwelta naman ni Mama Ogs, “Hindi naman totoo ‘yun. Ako ha, feeling ko lang. Kilala ko si Baron. E hindi, hindi pa rin makakatiis si Baron, iinom at iinom pa rin yan.”

Dagdag pa niya, “Akala ko nga completely healed at completely reformed na si Baron.”

Bandang huli, hindi na maganda pa na maghinuha sila sa kung anong cause ng kanilang away. Hayaan na lamang daw ang mag-asawa na magpaliwanag tungkol dito.

Gayunpaman, hiling pa rin ng talent manager ni Baron na sana ay maayos ng dalawa ang hindi pagkakaunawaan.

Ngayon ay burado na ang video sa IG account ni Baron.

May post rin ang aktor sa kanyang FB account na tila humigingi ng tawad sa kung anong nagawa,

“I am sorry.. know one is perfect. wish I had a magic book to turn things around.. I am a terrible person.”

 

“Ako ang biktima dito!” Suspek sa pagkitil sa Maguad Siblings, sinabing hindi siya pinagsisisihan ang ginawa

Sa edad na 32, Sarah Geronimo saka lamang natutunan kung paano i-manage ang kanyang finances