in ,

Beteranang aktres na si Gloria Sevilla, namalaam na sa mundo sa edad na 90

Isang malungkot na balita ang bumungad ngayong araw, Linggo ng Pagkabuhay, matapos mabalitaan ang pagpanaw ni Gloria Sevilla.

Tinaguriang Queen of Visayan movies ang 90 year-old na aktres na namayagpag noong dekada 50 at 60.

Ayon sa balita, si Ms. Gloria Sevilla ay binawian ng buhay kahapon, April 16, sa kanilang tahanan sa Oakland California.

Naiwanan ng beteranang aktres ang kanyang anim na anak, sina Lilybeth, Mat Ranillo III, Suzette, Jojo, Dandin, at Juni kabilang na ang mga apo.

Taong 2019, nang bumalik sa limelight si Ms. Gloria sa pelikulang Ang Pagbabalik, ang pinagbidahan niyang entry sa Pista Ng Pelikulang Pilipino.

 

Sa kanyang huling interview sa PEP, inihayag niya ang kanyang kasiyahan sa kanyang pagbabalik sa pag arte matapos ang mahabang panahon na pamamahinga.

“Basta maligaya ako na napasali ang aming pelikula na isang Visayan movie.

“Iyan ang dream ko talaga na mabigyan ng importansiya ang Visayan movies because Visayan movies is a part of Philippine movies.

Kasabay ng kanyang comeback movie, ginawaran din siya Lifetime Achievement Award noon ding 2019 sa Gawad Urian Awards.

Paalam po Ms. Gloria Sevilla, salamat sa maraming naiambag mo sa Pelikulang Pilipino.

 

Jennica Garcia, nawindang sa kanyang nickname na ginawa ng inang si Jean Garcia sa viber

Isang babae instant millionaire! Yumaman nang dahil sa pagbebenta ng kanyang utot