in , ,

Bianca Gonzales, nabash dahil sa komento nito tungkol sa pagkapanalo ni Hidilyn sa Tokyo Olympics

Hindi maitatago na marami ang natuwa at naging proud sa pagkakapanalo ng gold medal sa kauna-unahang pagkakataon ng Pinay na si Hidilyn Diaz sa Tokyo 2020 Olympic Games.


Sa kabila nang hirap at problema ngayon ng mga Pilipino dulot ng pandemic, may isang napakagandang balita ang dumating sa atin.

At dahil sa karangalang ito, sandamakmak na rewards mapa cash, house and lot at iba pa ang nag aabang sa Pinoy pride pagbalik ng bansa.

Umani ng maraming papuri si Hidalyn muila sa social media maging sa mga kilalang personalidad sa bansa. Tila nagbigay ng pag-asa at liwanag ang pagkakapanalo ni Hidalyn para sa marami.

Ngunit, sa maraming papuring nababasa natin sa social media, hindi lahat ay nakakatanggap ng magandang impression mula sa mga netizens.

Gaya na lang nang naging pahayag at komento ng TV host na si Bianca Gonzales tungkol sa pagkapanalong ito ni Hidalyn.

Sa kanyang tweet, binati ni Bianca ang Pinay gold medalist at tinaguriang weightlifting fairy.

“BABAE!!!!!!!!!!!! ABANTE BABAE!!!!! MABUHAY KA HIDILYN!!!!!”

Bukod dito, binati rin ni Bianca ang Filipina featherweight boxer na si Nesthy Petecio na nakaabot sa semifinals ng Tokyo 2020 Olympics, “Isa paaaa!!!! ABANTE BABAE!!!!”

Agad namang pinagpyestahan ng mga netizens ang mga pahayag na ito ni Bianca. Pinagsabihan ng mga netizens si Bianca at sinabing dapat daw ang ginamit niya ay “Abante Pilipinas”. Ang mga ganitong pahayag daw kasi ang nagiging ugat ng diskriminasyon sa mga kababaihan.

Sabi ng isang netizen,

“Kaya dini discriminate mga babae dahil puro kayo kayo rin mismo ginagawa nyong issue pagiging babae.”

Hindi naman ito pinalampas ni Bianca at sumagot din dito,

“Ilang daang taon na ang kalalakihan ang nabibigyan ng mga oportunidad kaya’t kapag may babaeng nagtatagumpay, ipinagbubunyi natin para mas marami pang kababaihan ang mapagbigyan.”

Nanindigan din ang TV host sa kanyang mga sinabi at nagbigay ng kanyang opinion sa komentong ito ng netizen.

“It’s this narrative of ‘kaya dini-discriminate ang mga babae dahil ginagawa ninyong issue ang pagiging babae’ that keeps us from reaching true gender equality.

“We push for women’s empowerment precisely because TOO MANY WOMEN feel like they have no voice and are put into this box.

“Men can be true allies by supporting, encouraging, and empowering the women in their lives to do what they want and dream big dreams.

“Hindi yung, ‘eto ka lang kasi babae ka lang.’ Hindi kami ‘babae lang.’ BABAE KAMI,” aniya pa.

Tila sinangayunan naman ng isang babaeing netizen ang komento ng isa at sinabing ang dating sa kanya ng naging pahayag ng TV host ay parang nakikipagkumpitensiya sila sa mga lalaki. Nirepost din ito ni Bianca at sinagot.

“Just because we want to empower women, does not mean that we want to ‘disempower’ men.”

Lahat tayo ay may kanyang kanyang opinyon. Dito madalas nagtatalo talo ang mga tao. Pero ang mahalaga naman dito ay iisa lang ang ating nararamdaman, ang pagiging proud dahil may kababayan tayong kagaya ni Hidalyn.

Ano pong masasabi niyo dito?

 

 

 

 

Bahay na Ginagawa, Ginulat ang lahat sa natuklasan sa Ilalim Nito!

Isang dalagang nakasuot ng maigsi sa jeep, nagulat na lang sa ginawang ito ng lalaki sa kanyang harapan