in

Carmina Villaroel at Zoren Legaspi naiyak sa unang pagkakataon na mahihiwalay sa kanila ang anak na si Mavy

 

Tila parang tagpo sa isang teleserye ang naganap habang nagpapaalam si Mavy Legaspi sa kanyang pamilya.

 

 

Todo iyak si Carmina Villarroel dahil sa unang pagkakataon ay malalayo sa kanila ang anak na si Mavy Legaspi.

 

 

Nagmistulang OFW nga si Mavy na magwo-work abroad kung magpaalam sa kanyang magulang at kakambal na si Cassy.

 

 

Na nauna nang nakaranas ng lock-in taping para sa unang teleserye naman niya na “First Yaya.”

 

 

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Carmina ng maikling video at ilang litrato kung saan makikita ang pagluha niya at kayakap ang anak habang nagpapaalam.

 

 

Ani Carmina, nagpaalam si Mavy dahil sa lock-in taping niya para sa “I Left My Heart in Sorsogon”.

 

 

“All grown up…. Time for you to spread your wings my forever baby boy @mavylegaspi. Always remember that we are here for you and we are all proud of you!” caption ni Carmina sa Instagram post habang yakap-yakap si Mavy at pulang-pula ang mukha sa kakaiyak.

 

 

“Enjoy! I miss you already. First time kang malalayo samin. We love you Kuya,” dagdag pa niya.

 

 

Natatawa naman si Mavy sa naging reaksyon ng kanyang ina na tila baby pa din ang turing sa kanya.

 

Samantala, Nag-post din si Zoren ng larawan habang yakap ang anak.

 

 

“It’s hard to let this guy go to spread his wings. Come back with wider and longer wing span. Always pray at night and when you wake up,” ayon sa aktor.

 

 

“I love You as my son as my friend,” saad pa nito.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi)

First time kasi mapapahiwalay ni Mavy sa kanyang parents at sa kakambal niyang si Cassy Legaspi kaya malungkot ang buong pamilya.

Aljur Abrenica, tuluya nang binasag ang katahimikan at sinawalat sa publiko ang problema nila ni Kylie Padilla

Sikat na game streamer na si “Ako Si Dogie” magiging daddy na, excited na namili ng gamit ng baby