in ,

Celeb couple na sila Kylie Versoza at Jake Cuenca hiwalay na? Tweet ni Kylie tila may pahiwatig

Matapos ang mahigit tatlong taon na relasyon, actor Jake Cuenca at nobya nitong beauty queen/actress na si Kylie Versoza, hiwalay na?

Ito ang tanong ngayon ng mga netizens dahil sa tweet kamakailan ni Kylie. Maiksi man ang nasabing tweet, nagdulot ito ng hinalang baka on the rocks ang relasyon ng dalawa..

 

Ito ang komento ng ilang netizens:

Mabilis na nagviral ang nasabing tweet ni Kylie. May mga nagtanong kung hiwalay na nga ba sila ni Jake. Ngunit nanatiling tahimik lamang ito.

 

Samantala, sa Instagram, wala ding bagong post si Jake tungkol sa kanila ng girlfriend. Ang huling upload ng aktor na magkasama sila ni Kylie ay noon pang March 23.

Si Kylie ay hindi naman mahilig mag-upload ng larawan nila ng nobyo. Pero nananatiling naka-follow sila sa isa’t isa.

Ayon naman sa ulat ng BANDERA, mismong malapit na kaibigan daw ng couple ang nagkumpirma na hiwalay na nga ang mga ito.

Ayon sa kanilang source, first week of March pa raw nag-break sina Jake at Kylie. Mutual daw ang desisyon nila na magkanya-kanya muna. Na ang ibig sabihin ay kailangan muna nilang magpahinga pareho.

Ayon pa raw sa couple, tuwing magkasama raw sila ay palaging nagkakapikunan at nauuwi sa hindi magandang usapan.

September 2019 nang umamin sina Jake at Kylie na may relasyon na sila. Sa ngayon ay wala pang official statement ang dalawa ukol sa balitang ito.

 

Isang babae instant millionaire! Yumaman nang dahil sa pagbebenta ng kanyang utot

Judy Ann Santos inisnab ng isang baguhang love team