in

Chito Miranda ibinahagi ang kanyang mga pinagkakakitaan bukod sa bandang Parokya Ni Edgar

 

Iba naman talaga kapag may other source of income, at ‘yan ang pinatunayan ni Chito Miranda.

 

 

Si Chito ay hindi lang isang musikero, isa din siyang negosyante na may iba’t-ibang source of income.

 

 

Sa kanyang nakaraang vlog ay ipinakita ni Chito ang kanyang mga negosyong pinagkakakitaan bukod sa kanyang banda.

 

 

“Dito sa Vlog na ‘to, I decided to feature some of my businesses para makita nyo din na hindi panay rakenrol ang aking pinagkaka-abalahan,” saad ni Chito.

 

 

Ang unang ipinakita ni Chito ay ang “Quento” ito ay kombinasyon ng Laundry, Coffee and Barbershop. Multitasking in one place ang offer ni Chito Miranda at ng kanyang mga business partner dito.

 

 

Sumunod naman ay ang “Tomato Kick” ito naman ay isang tambayan, restaurant/ inuman sa Teacher’s village sa UP Diliman.

 

 

Ang pangatlo naman ay ang “12 Monkey’s“, dito naman madalas idinadaos ni Chito ang ng bandang Parokya Ni Edgar ang kanilang mga gig.

 

 

Ang huling ipinakita ni Chito ay ang “Honey’s Kimchi” kung saan business partner niya ang kanyang kabandang si Dindin.

 

 

Marami pang negosyo si Chito na hindi na niya naipakita dahil hindi naman daw masyadong interseting para sa kanyang vlog.

 

 

Sinabi din ni Chito na ginawa niya ang vlog na iyon upang ipaalam sa mga tao na nagtatrabaho siya.

 

 

At ito ay para sa kinabukasan ng kanyang pamilya, “Gusto ko pagdating sa future sobrang secure na ng family ko kahit mag relax-relax na lang kami, pa-travel-travel, tugtog-tugtog konti, we’d still be financially secured”

 

 

At tila ito din ang kasagutan ni Chito. Sa mga nagtatanong kung ano daw ba ang meron siya bukod sa kanyang banda.

 

 

Madalas kasi siyang naikukumpara sa kanyang “Wais Na Misis” na si Neri Naig.

 

 

Dahil sa napakaraming negosyo nito na proud na proud niyang ibinabahagi lagi sa social media.

Julia Barretto binura ang larawan ng boyfriend na si Gerald Anderson sa Instagram

Richard Gutierrez sinita ang suot na damit ng pamangkin na si Lorin Gutierrez