in , ,

Dalagang na inlove sa lalaking nakilala sa mobile online game, ibinenta ang motor ng ama upang mapuntahan ito ngunit hindi naman siyasinipot

Noon pa man, natural na sa mga tao ang magkaroon ng crush o paghanga sa ibang tao base sa kanilang pang labas ng itsura. Ngunit sa modernong panahon ngayon ay marami ng mga applications sa mga gadgets ang maaring baguhin ng itsura mo.

Ganun pa man, isa ang social media sa pinaka mabilis na komunikasyon sa mga taong malalayo sa atin ngunit sa pag abuso ng kakayahan na ito ay may masama palang dulot sa mga tao.

Katulad na lamang ng isang dalaga na mula sa Indonesia ang nabigong makita ang kanyang hinahangaang lalaki na mula sa Jakarta. Ang nasabing lalaki ay nakilala niya lamang sa isang mobile online game.

Sa sobrang interesado ng dalaga na makita ang lalaki, lakas loob nitong ibinenta ang motorsiklo ng kanyang ama sa halagang 20 million rupiahs o may katumbas na Php67,000 upang magamit papunta dito.

Labis na lamang din ang pagkagulat ng pamilya ng dalaga sa mga ginawa nito. Nais pa rin sanang lumipad patungong Jakarta ng babae subalit napigilan na ito matapos na makita ng kanyang mga magulang ang kanyang viral video na naibahagi ni @ndorobeii sa kanyang Instagram.

Nakita ng ilang sales personnel ang dalaga na walang hinto sa pag iyak sa airport ng Petaling, Jaya sa Indonesia.

Nang maisipan siyang tanungin, sinabi nitong ang kanyang iaasahang lalaki ay hindi siya sinipot.

Tila naging masalimuot ang pangyayaring ito sa dalaga dahil sa pagkabigong makita ang kanyang crush. Kaya naman, agad siyang sinundo ng pamilya.

Para sa kanya, ang mga effort at desisyon niya ay nauwi lamang sa wala. naibenta niya pa ang motorsiklo ng kanyang ama, nagastos na ang pera, ngunit ang kanyang crush ay hindi nagpakita.

Siguro nga nakatadhana na mangyari sa kanya ang ganitong bagay dahil sa hindi pa niya ito kilala ng lubusan at nakilala lamang sa isang online game.

Sa modernong panahon ngayon, hindi masama ang pagkakaroon ng crush ngunit dapat alam ang iyong limitasyon dahil sa ano mang oras ang paghanga at siya pang mag dadala sayo sa kapahamakan.

 

Lumang aparador sa isang apartment na nababalutan ng ‘misteryo’, laking gulat nila sa natuklasan na katotohanan

Bahay na Ginagawa, Ginulat ang lahat sa natuklasan sa Ilalim Nito!