in

Dani Barretto ibinahagi ang dahilan ng alitan nila ng kanyang amang si Kier Legaspi

 

Ibinahagi ni Dani Barretto ang ilang detalye tungkol sa relasyon niya sa kanyang tatay na si Kier Legaspi.

 

 

Inamin ni Dani Barretto na sinusubukan niyang manumbalik ang komunikasyon nila ng kanyang estranged father.

 

 

Ang dating aktor na si Kier Legaspi.

Hindi kaila sa publiko na hindi inimbitahan ni Dani noon si Kier sa kasal nila ni Xavi Panlilio noong April 2019.

 

 

Nagbahagi si Dani sa publiko ng ilang detalye tungkol sa relasyon nila ng kanyang tatay. Kabilang na ang dahilan kung bakit umabot ng seven years ang hindi nila pagkakaunawaan.

 

 

Tatlong buwan daw siyang tumira sa bahay ni Kier noong siya ay 19 years old.

Pero nagkaroon daw sila ng alitan noon, at iyon ang naging mitsa kung bakit mahabang panahon silang walang komunikasyon.

 

 

Pahayag ni Dani, nagtataka at nasasaktan siya kung bakit hindi niya nakakasama ang tatay niya kahit alam niya na nasa bansa lamang ito at pwedeng-pwede siyang puntahan at dalawin.

 

 

“Because I knew that he was just around eh. I knew that hindi naman siya OFW,” aniya sa chikahan nila ni Vicki Belo.

 

 

“Pero parang when I got older and like when I had more freedom na to reach out to him and see him, I did, I tried. I reached out to him,” aniya pa.

 

 

Ayon kay Dani, ang ama niyang si Kier at ina na si Marjorie ay naghiwalay noong ipinanganak siya taong 1993.

 

 

Lumaki raw siyang kilala si Kier pero hindi ito constant figure sa buhay niya.

March 2019 nang ihayag ni Dani na tanggap na niyang hindi maayos ang relasyon nila ng amang si Kier.

 

 

Ilang beses na raw kasing umasa si Dani na mag-effort ang kanyang ama, subalit hindi ito nangyayari.

 

 

Panoorin dito ang kabuuan ng interview kay Dani:

Kisses Delavin kumpirmado na nga bang sasali sa Miss Universe Philippines 2021?

Naaalala niyo pa ba ang mga pantasya ng bayan noong 90’s? Ito na pala ang buhay nila ngayon