in ,

Dating nalink kay PNoy na si Liz Uy, nagpahayag ng personal na mensahe para sa late former President

Hindi rin napigilang maghayag ng saloobin ng famous stylist na si Liz Uy tungkol sa nakakabiglang pamamaalaam ng dating Pangulong Noynoy Aquino kahapon, June 25.

Ang celebrity stylist ay isa sa mga nagpatunay sa ginintuang puso ng dating pangulo.

Si Liz ay nagbigay pugay kay Noynoy sa kanyang Instagram account. Ibinahagi nito ang larawan ng dating pangulo na may black-and-white effect.

Isa ring post of appreciation ang iniwan nito para sa dating pangulo.

Kung inyong maaalala, taong 2010 nang kinumpirma ni Noynoy sa isang showbiz talk show na The Buzz, na siya at si Liz Uy ay nagde-date.

Gayunpaman, sila ay nagkahiwalay, kasabay ng kanyang pagmomove-on sa isa pang break up kay Konsehal ng Valenzuela na si Shalani Soledad. Sabi ni PNoy sa interview,

“We have been spending some time together as long as our schedules would permit. But I guess at this point in time, that is the extent of it.”

Bukod kina Shalani Soledad at Liz Uy, ang late President ay nalink din kina Grace Lee at Pia Wurtzbach.

 

 

 

Ex-Fiancé ni Scottie Thopmson na si Pau Fajardo nagsalita na tungkol sa kinasasangkutang issue

Kilalanin ang mga babaeng nalink at nakarelasyon ni late former President Noynoy Aquino