in , ,

Dating sikat na aktres, namamayagpag noon, natagpuang ganito na ang kalagayan at palaboy laboy na lang sa kalsada ngayon

Ang dating super sikat na starlet na si Brandy Ayala ay napabalitang nawawala sa loob ng ilang buwan at namataan sa Mandaluyong.

Si Brandy ay kabilang sa mga tanyag nadaring stars noong dekada 80.

Isa siya sa mga “liqu0r beauties” na pinamamahalaan ng talent manager na si Rey Dela Cruz.

Batay sa isang article mula sa PEP, humingi ng tulong ang pamangkin ni Brandy na si Ralph Estrada, upang mahanap ng dating bituin.

Mula sa oras na ipinatupad ang ECQ noong Marso 15, hindi na nakabalik si Brandy sa kanilang tahanan.

Ayon nga raw sa kanyang pamangkin na si Ralph Estrada, si Brandy ay tuluyan ng nawala sa sarili. Dulot ito ng paggamit ng ilegal na substance noong mga panahon siya ay nakikita pa sa telebisyon bilang artista.

Kwento naman ng mga dating kaklase ni Brandy, ang dating daring star ay madalas na makitang nagkalat sa Tayuman at sa SM City San Lazaro area sa Maynila.

Humingi di umano siya ng pera at pagkain sa mga taong nakikilala niya.

Nag-aalala si Ralph sa kanyang tiyahin sa gitna ng pandemya.

“Nang lumabas po yung artikulo ng PEP, sinabi ng kakilala ko na parang napansin siya sa Mandaluyong,

Ang pagrenta ng kotse ay ang naisip niyang paraan upang malibot ang buong Mandaluyong City sa pag asang makita niya si Brandy sa kalye.

Ngunit mahirap para kay Ralph ang paghahanap lalo na sa ngayon dahil kapos din siya sa pinansyal. Nawalan din ng trabaho dahil sa pand3mic. Ang kanyang ama rin, nakakatandang kapatid ni Brandy ay siya namang may sakit din.

Gayunpaman, umaasa siyang matatagpuan nila ang kanyang tiyahin sa lalong madaling panahon.

Siya pala ang gwapo at anak ng bilyonaryong nagpapasaya ngayon kay Sue Ramirez!

Naaalala niyo pa ba si Paula Peralejo? Ito na pala ang buhay niya ngayon matapos iwan ang showbiz