in

Dennis Padilla emosyonal na ibinahagi ang hirap na pinagdadaanan niya ngayon

 

Emosyonal si Dennis Padilla nang idinetalye niya ang kanyang naging karansan sa pagiging isang C0’VID19 survivor.

Si Dennis Padilla ang guest sa pinaka latest vlog ni Ogie Diaz.

 

 

Dito ay ibinahagi ng komedyante ang kanyang pakikipaglaban sa v1rus.

Marami umanong nagbago sa buhay ng aktor nang tamaan siya ng C0’VID19 noong Marso.

 

 

Sinabi niyang napakahirap at matinding dasal na lamang daw ang pinaghahawakan niya ng mga panahon na iyon.

Lugmok na lugmok daw siya  sa loob ng labing tatlong araw niyang pamamalagi sa ospital.

 

 

Hiniling na din diumano niya sa Panginoon na kunin na lamang siya at ‘wag nang pahirapan pa.

Isa na rin sa sumagi sa kanyang isipan ay ang pagsusulat ng “last will and testament” na naipadala pa niya sa kanyang sekretarya at malapit na kaibigan sa takot na anumang oras ay maari na siyang nawala.

 

 

Isinulat daw niya dito na kung sakaling maibenta ang kanyang bahay, kung kanino ito mapupunta at pati na din ang iba pa niyang ari-arian.

 

 

Nabanggit niyang nakahingi na rin umano siya ng tawad kay Marjorie Barretto at sa kanilang mga anak kabilang na si Julia.

Inamin din mismo ni Dennis siya umano ang may kasalanan nang paghihiwalay nila noon

 

 

At naipaliwanag na rin niya ito sa kanilang mga anak.

Laking pasalamat din daw niyang nagkaroon pa muli siya ng isa pang pamilya.

 

 

Kung saan pinagkalooban pa muli siya ng dalawang mga anak. Sa nasabing panayam ay napag-usapan din nila ang tungkol sa pagpapalit ng apelyido ng kanyang mga anak.

 

 

Nasaktan daw siya dito ng una pero sa huli ay natanggap na lamang niya.

 

 

Sa ngayon ay tinuturing daw ni Dennis na ito na ang kanyang panglawang bu’hay.

 

 

Panoorin dito ang kanilang video:

Zeinab Harake inamin na lagpas sampung male celebrities ang inisnab niya ang mga message

Trending na gwapong prinsipe ng Brunei, mukhang may napusuan ng Pinay celeb, gustong makila ng personal agad agad