in

Dennis Padilla ibinahagi ang pag-uusap nila noon ni Gerald Anderson tungkol kay Bea Alonzo at Julia Barretto

 

Nagdetalye ang actor-comedian na si Dennis Padilla tungkol sa naging usapan nila ni Gerald Anderson.

Ito ay noong mainit ang isyu sa break up nito kay Bea Alonzo.

 

 

Kung saan nakaladkad as third party ang anak n’yang si Julia Barretto.

 

 

Napag-usapan kasi nila ng comedian and vlogger na si Ogie Diaz sa two-part vlog nito ang mga bagay inihingi n’ya ng tawad kay Julia nu’ng nagkausap sila sa vlog nito kamakailan.

 

 

Kabilang na nga dito ang mga hindi daw magagandang nasabi n’ya sa nobyo nitong si Gerald.

Dito ay kinuwento ni Padilla na siya mismo ang tumawag kay Anderson noon na nasasangkot sa kontrobersya matapos ang kanilang hiwalayan ng noo’y nobya ng aktor na si Alonzo.

 

 

Nadamay ang anak nito na si Barretto na itinuturong dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Ito umano ang dahilan kung bakit personal siyang tumawag kay Gerald upang linawin ang mga isyu.

 

 

Ayon kay Padilla, diretso niyang tinanong si Anderson kung sila pa ba ni Alonzo na tahasang itinanggi ng aktor.

 

 

“Natanong ko kay Gerald noon kung ‘syota mo pa ba si Bea?’ Ang sabi niya, ‘Hindi.’ Sabi ko, ‘Okay, para ‘wag naman lumabas na kontrabida yung anak ko,’” paglalahad ni Dennis.

 

 

Humiling daw s’ya noon dito na kung wala na talaga sila ni Bea ay ipagtanggol n’ya sana si Julia dahil nababa-bash ito ng netizens.

 

 

Saad naman daw ni Gerald na magbibigay siya ng pahayag ukol dito.

Ngunit hindi natuloy ang nasabing panayam dahil hindi ito tumugma sa schedule.

 

 

Ang ikinainis daw n’ya ay nang mapanood ang interview ni Bea.

 

 

Dahil lumalabas daw doon na hindi pa talaga officially break sila ni Gerald pero nanliligaw na ito kay Julia.

 

 

Panoorin dito ang buong kwento ni Dennis Padilla:

Naalala niyo pa ba ang Dating Goin’ Bulilit at Child Actor na kasabayan ni ‘Santino’, Ito na pala siya Ngayon

Rufa Mae Quinto, naiiyak sa buhay niya ngayon sa US