in , ,

DISKAR-TIPS: Thai Actor Works As A Grab Driver Amid Quarantine

Sa sitwasyon ng maraming bansa ngayon, marahil marami sa atin ang naghahanap ng iba pang disenteng trabaho makaraos lang sa panahon ng pandemya.

Dahil sa walang pinipili ang pandemya, lahat ay naapektuhan ng pagbagsak ng ekonomiya. Halos buong mundo ay sumailalim sa quaratine at naging mahirap ang magtrabaho.

Bukod dito, marami din ang nawalan o nahinto sa paghahanap buhay. Lalo na ang nasa entertainment industry.

 

Nagresulta ito sa gutom para sa maraming pamilya. Kaya’t gagwin natin ang lahat upang matugunan lamang ang pangangailangan ng ating mga pamilya.

 

Ang isang magandang halimbawa dito ay ang isang Thai actor na nagtatrabaho bilang isang Grab rider sa panahon ng quarantine. Dahil wala siyang mga proyekto, wala din kita, kaya naman naghanap siya ng alternatibong trabaho.

Siya si  Amp Pheerawas, isang Thai actor na mayroon nang sariling pamilya. Ayon sa ulat, nagkaroon kahit papaano si Amp ng savings dahil tinatanggap niya ang lahat ng mga nagpapa-book.

Kahit na umuulan, pinipili ng karamihan sa rider na magpahinga, ngunit ginagamit niya ang pagkakataon na ito upang mas lalong magtrabaho. Hindi naging kahihiyan para sa kanya ang pasukin ang pagiging delivery rider basta kumita ka sa maayos na pamamaraan para sa iyong pamilya.

Maraming pumuri ang naging proud sa kanya sa dahil sa positive thinking na ito. Kahit na siya ay isang artista, hindi siya nag-atubiling gawin ang ganitong trabaho.

Sa katunayan, ang Amp ay isang malaking halimbawa ng isang responsableng ama.

Ikaw, hanggang saan ang kaya mong gawin para sa iyong pamilya?

 

Wiilie Revillame nagsalita na! Nag back out as producer kay John Lloyd Cruz, ‘na- TURN OFF’ di umano sa ugali ng aktor

Benj Manalo at Lovely Abella, proud na ibinahagi ang katas ng kanilang pinaghirapan!