in

DJ Nicole Hyala emosyonal na ibinahagi ang milagrong nangyari sa kanyang anak

 

Emosyonal na ibinahagi ni DJ Nicole Hyala ang pinagdaanang pagsubok ng kanilang pamilya.

 

 

“TOTOO pala. May milagro. There is a God!” Yan ang napatunayan ng radio personality na si Nicole Hyala matapos gumaling ang kanyang anak na si Princess mula sa sa’kit nito.

 

 

Ito ang dahilan kung bakit matagal na hindi nagparamdam sa social media si Nicole.

Kinailangan niyang pagtuunan ng pansin ang naging kundisyon ng anak na na-c0ma raw ng ilang araw.

 

 

Sa Instagram post, ibinahagi ni Nicole ang photo ni Princess habang nasa ospital noong April at milagrong gumaling noong May.

 

 

Sa YouTube video, emosyon na inihayag nina Nicole at mister niyang si Renly Tiñala, ang kanilang pinagdaanan na naging “testimony of God’s love and miracle for us.”

 

 

Ayon kay Nicole, April 16 nagsimulang nilagnat ang bata at kinabukasan ay na-confine na ito sa Biñan Doctors Hospital.

 

 

Wala raw ideya sina Nicole kung ano ang sanhi ng lagnat ni Princess, pero kapansin-pansin ang biglaang pananamlay nito.

 

 

Inilagay umano sa ICU si Princess at kinalaunan ay inilipat na ng ibang ospital kung saan nanatili siya ng tatlong linggo.

 

 

“Napakarami naming tanong ‘bakit si Princess?’ and it was really painful to see her there. Ang pinaka masaklap wala namang way para magbantay sa loob ng ICU,” ani Nicole.

 

 

Sa unang social media post ng sikat na DJ, abot-langit ang pasasalamat niya sa Diyos dahil sa paggaling ni Princess, “HE LORD HAS SHOWN HIS GLORY AND MIGHT. HE HAS GIVEN US A MIRACLE.

 

 

Nagpasalamat din sina Nicole sa mga nakilala nilang prayer warriors kabilang na ang mag-asawang Tirso at Lynn Cruz, sina Amy Austria, Gina Alajar at Ali Sotto at sa lahat ng medical staff na nag-alaga kay Princess.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by DJ Nicole Hyala (@nicolehyala)

Tatay ni Darren, Sinabi na ang totoong relasyon nina Cassy at Darren Espanto

Julia Barretto binura ang larawan ng boyfriend na si Gerald Anderson sa Instagram