in , ,

Donnalyn Bartolome, may pahayag tungkol sa masalimuot na pangyayari ngayon sa kaibigang si Zeinab Harake

Kilala bilang matatalik na magkaibigan ang 3 famous female vloggers sa bansa na sina , Donnalyn Bartolome, Zeinaba Harake at Jelai Andres.

Tinawag sila noon bilang DoLaiNab. Bagamat nabuwag na ngayon ng grupo nila, nanatili namang magkakaibigan parin ang tatlo.

Magkakaramay parin sila sa saya, problema at pighati.

Nito lamang ay nabalitang nakunan ang vlogger na si Zeinab at kontrobersya sa umano sitwasyon nila ngayon ng nobyo at ama ng anak niya na si Skusta Clee.

 

Di napigilan ni Donnalyn na maghayag ng kanyang saloobin.

Nakiusap si Donnalyn sa publiko na irespeto umano ang kanyang kaibigang si na nagdadalamhati ngayon.

 

 

 

Sa gitna ng kanyang pagluluksa ay binalot naman ng intriga ang relasyon nila ni Skusta. Ito ay nang mapansin ng mga netizens na naka-unfollow na si Zeinab kay Skusta sa IG.

 

Ultimo ang mga larawan ng rapper ay burado na din sa IG ng kanyang nobya. Kaya hinuha ng marami ay mukhang hiwalay na ang dalawa.

 

Kung anu-anong haka-haka na rin ang naglabasan sa tunay na dahilan ng tila pagkakalabuan ngayon ng magkasintahan.

 

May nagsabi pa na si Zeinab umano ang nagloko ngayon at hindi daw si Skusta ang tatay ni Baby Moon.

 

Kaya naman para depensahan ang kanyang kaibigan, nakiusap si Donnalyn sa publiko na irespeto naman ang pinagdadaanan ngayon ni Zeinab.

 

Sa kanyang Facebook post saad ni Donna, “Be kind to Zeinab, because if you know what I know, you’d feel horribly sorry for saying bad things about her at this time.. the most painful time of her life”

 

May mensahe din ito para sa mga bumabatikos kay Zeinab, “I will pray for the souls who said false accusations about her loyalty after everything”

Sa ngayon ay tikom pa ang bibig nina Zeinab at Skusta ukol sa tunay na estado ng kanilang pagsasama.

Andrea Brillantes isa-isang sinagot ang mga isyung ibinabato laban sa kanya

Gab Valenciano, niresbakan ng bongga ang kanyang b4sher sa social media