in

Ellen Adarna nawawala ang focus pag nakikita ang aktor na si Patrick Garcia

 

Ellen Adarna ibinahagi kung sino ang aktor na pinaka nagwapuhan siya.

Isang video sa Tiktok ang viral kung saan may isang netizen ang nagtanong kay Ellen Adarna

 

 

Na kung sino raw ba ang pinakagwapo na aktor na nakita niya. At ito ay walang iba kundi si Patrick Garcia.

 

 

Hindi maipagkakaila na isa si Patrick Garcia sa may pinaka maamong mukha sa mga aktor sa kanyang henerasyon.

 

 

Bata pa lamang ay talagang marami na ang nahuhumaling sa kanyang angking kagwapuhan.

 

 

Kahit mga kapwa niya celebrities sa industriya ng showbiz ay talaga naman humahanga din sa kanya.

 

 

Bukod sa galing niyang umarte ay nakakaakit talaga ang kanyang tikas at dating.

 

 

Sa edad na 39, tila walang kupas ang kagwapuhan ng isang Patrick Garcia dahil hanggang ngayon ay kitang kita pa din ito.

 

 

At ang viral video ni Ellen Adarna sa TikTok ang nagpatunay nito.

 

 

Sa nasabing video ay natanong si Ellen kung sino raw ba ang pinakagwapong artista ang kanyang nakatrabaho o nakita.

 

 

Inihayag naman ng aktres ang karanasan niya sa scene nila ni Patrick kung saan ang role niya rito ay asawa ng aktor.

 

 

Nade-destruct daw si Ellen sa scene na iyon sa tuwing tinititigan niya sa Patrick at palaging nacu-cut ang shooting dahil ‘di raw siya maka-focus.

 

 

Saad pa ni Ellen ay napakagwapo ni Patrick, lalo na sa personal.

Kaya naman hindi niya mapigilan na mawala sa focus pagdating sa kanilang shooting.

 

 

Maraming netizens naman ang sumang-ayon sa aktres. Saad pa ng ilan ay kahit makatrabaho din nila si Patrick o di kaya ay matignan ng malapitan ay maging sila ay mawawawala ang focus sa kanilang gagawin dahil sa taglay na kagwapuhan nito.

 

Derek Ramsay ibinahagi na ang ilang detalye sa wedding plans nila ni Ellen Adarna

Aljur Abrenica, tuluya nang binasag ang katahimikan at sinawalat sa publiko ang problema nila ni Kylie Padilla