in ,

“EX” umano ni Kris Aquino, may sagot sa mga paratang sa kanya ni Kris na hindi marunong tumupad sa pangako

Tila idinaan na lamang sa meme ni senatorial aspirant at former Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kanyang sagot sa patutsada ng ex-fiancée niyang si Kris Aquino.

 

 

Sa kanyang official Facebook at Instagram, nagbahagi si Herbert ng larawan niya kasama si presidential aspirant at former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang nasa isang campaign sortie.

 

 

Aktong may ibinubulong si Marcos kay Herbert at may nakalagay pang thought balloon na ang nakasulat ay: “SABI NGA NI VP INDAY SARA, PAG BINATO KA NG BATO, BATUHIN MO NG BURGER.”

 

Madalas sinasabi ni Mayor Sara sa campaign sorties nila na kapag ang kanilang supporters ay kina-cancel o kaya’y kinukutya at nilalait, huwag na lamang itong patulan at sa halip ay batuhin ng burger pabalik.

 

 

Sabi ni Herbert sa caption: “Thank you po sa advice, Mr. President!”

 

 

Sa grand proclamation rally ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa Tarlac City, Tarlac noong Miyerkules ng gabi, March 23, sorpresang dumating si Kris bitbit ang matalik na kaibigan nitong si Angel Locsin at ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

 

Nang bumati si Angel sa crowd, inihalintulad niya ang solid supporters ni VP Robredo na kung tawagin ay Kakampinks sa isang karelasyong tunay na maaasahan.

Wika ni Angel: “Kahit umuulan, uma-attend. Rain or shine, walang excuse, lumalabas.

“Kasi yun naman gusto natin sa isang tao, di po ba?

“Kapag hahanap ka ng kaibigan, karelasyon, kailangan laging nandyan para sa iyo, hindi tuwing eleksyon lang.”

 

 

Bigla namang sumingit si Kris sa kanya sabay sabing, “Gel, pinatatamaan mo ata ako diyan. Aray. Ouch.”

Sagot ni Angel kay Kris, “Ate, palagi ka lumalabas tuwing may sakuna kagaya ni VP Leni.”

Paliwanag ni Kris, ang ibig niyang sabihin sa kanyang punto ay natamaan siya pagdating sa unreliable na karelasyon.

Aniya, “Hindi, yung sinabi mo, may karelasyon.”

Mukha namang naguluhan si Angel sa komento ni Kris kaya napatanong ito: “Nandito ba siya?”

Tugon ni Kris, “Yung isa nasa Uniteam, yung ex…”

 

Hindi man tuwirang binanggit ni Kris ang pangalan ng kanyang ex, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na ang tanging nakarelasyon niyang nasa Uniteam ay si dating Quezon City mayor na si Herbert.

Kabilang si Herbert sa senatorial slate ng UniTeam ng tambalang Marcos Jr. at Davao Duterte.

Sabi pa ni Kris patungkol sa kanyang ex-fiancé: “O, wag niyo iboto yun, ha.

“Sayang ang boto dahil di marunong tumupad sa mga pinangako.

“Deadma please.”

 

Mukhang may parinig na rin si Ruffa Gutierrez sa mga tinuran ni Kris.

Sabi niya sa kanyang tweet kahapon din: “Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex.”

Napapabalitang malapit ngayon sina Herbert at Ruffa kahit hindi pa tuwirang umaamin ang dalawa sa kanilang totoong estado, pero naging “Instagram official” sila noong March 16, 2022.

Dagul hindi na makalakad ngayon, Emosyonal na ikinuwento ang kalagayan matapos mawala sa showbiz

Kuya Wil, humiling ng dasal sa kanyang mga fans para sa kanyang matinding pinagdaraanan ngayon sa kalusugan