in , ,

For the win! Andrea Brillantes, nanood lang ng UAAP, nagka JOWA! Nagpropose sa harap ng maraming basketball fans

Sinurpresa ni Ricci Rivero ng University of the Philippines ang mga tao sa Mall of Asia Arena noong Sabado sa pag broadcast nito ng proposal kay Andrea Brillantes.

Ang 6’1 shooting guard ay nagpasalamat sa mga tao nag cheer para sa Fighting Maroons bago ginawa ang hindi inaasahang proposal sa Kapamilya young actress.

Super blooming si Andrea suot ang fitted long sleeves na blouse at maroon mini skirt na kulay ng UP Fighting Maroons.

.

Natural na umani ito ng palakpakan mula audience at nasaksihan ang aktres na pinili ang T-shirt na may naka-print na “YES”.

Sobrang kinakiligan ng marami ang tagpong ito at mabilis na nagviral sa Tweeter kagabi.

Agad din namang ibinahagi at kinumpira ni Blythe ang latest relationship status nito sa kanyang Facebook Account.

Una nang nababalita na may umano namumuong relasyon ang dalawa matapos kumalat ang kanilang picture na sa labas ng isang restaurant sa BGC.

Bukod pa dito, nag flex din ang aktres sa TikTok habang suot ang tila varsity shirt ng UP na may number 25. Numero din ito ni Ricci sa kanyang uniform.

Samantala, maraming fans ang nagdiwang sa new chapter na ito ni Andrea sa kanyang buhay.

Double win para kay Ricci ang gabing iyon, dahil nagwagi ang UP laban sa FEU at napanalunan din ang matamis na OO ni Andrea.

Panoorin ang nakakakilig na video:

Toni Fowler, walang pagaalinlangang binulgar ang totoong nangyari nung gabi ng birthday ng ex na si Rob Moya

Awra Briguela, humingi nang Sorry kay Coco Martin dahil sa hindi pagtupad ng pangarap nito sa kanya