in , ,

Heto na siya! Jennica Garcia, as single mom, pina WOW ang mga netizens sa kanyang TikTok moves

Sabi nga nila, once na maka move on ang isang babaeng labis na nasaktan sa pag-ibig, makikita mo ang malaking pagbabago nito sa kanyang pisikal na itsura.

Matapos ang kontrobersyal na pag amin ng hiwalayang Jennica Garcia at Alywn Uytingco, muling humarap si Jennica sa kanyang mga fans.

READ ALSO: Jennica Garcia hindi nakapagtimpi sinagot ang netizen na sinabihan siyang LOSYANG


Pero this time, ibang Jennica na ang mapapansin sa kanyang mga post.

Kung dati’y very nanay ang peg ni Jennica, at puro sentiments ang makikita mo sa kanyang post, ngayon ay tila unti unti nang nakakabangon ang aktres mula sa pagiging broken.

Mula sa pagiging ideal simple family, biglang nauwi sa hiwalayan si Jennica at Alywn. Bagama’t hindi sinabi ang dahilan, naging usap-usapan ang pagkakaroon ng third party dahil narin sa parinig ni Jean Garcia, ina ni Jennica sa social media.

Naging mabigat para kay Jennica ang pinagdaraanan nitong mga nakaraan. Mapapansin sa mga previous photos nito ang stress na nararanasan.

Ngunit matapos ang ilang linggo, biglang may napansin na lang ang mga netizens sa kanyang recent photos and videos.

READ ALSO: Jean Garcia may pasaring sa post ni Alwyn Uytingco tungkol sa kanyang anak na si Jennica Garcia

Nagsisimula na nga ba siyang mag move mula sa heart break?

Sa kanyang mga Tiktok videos, napansin ng ilang fans na tila umaaliwalas na ang mukha ng aktres. Nagiging blooming na daw ito at nagagawa niyang ngumiti ulit ng matamis.

Biro pa ng ilang fans, mas lalo pa raw gumanda ang ngayo’y single mom mula ng lumaya mula kay Alwyn. Sa Instagram ay bumabaha rin ng comments na nagiging sexy mommy na si Jennica.

Ipinahayag rin ni Jennica na labis ang pasasalamat niya sa mga fans na sumusuporta sa kanya. Aminado man siyang mayroon siyang mabigat na pinagdadaanan, na appreciate naman niya ang suportang natatanggap sa mga netizens.

Ayon pa kay Jennica, kahit pa may problema ay hindi dapat mawala ang ating self-esteem.

“Pero wag natin hayaan mawala yung true self natin. Yung confident pa rin tayo sa mga moments na di tayo kagandahan.

Kaya pa rin natin dapat tawanan itsura natin. Wag tayo magpapanic na hala ang pangit ko dito ganyan. Walang taong pangit.” 

Tuluyan na ba niyang pinalaya ang sarili mula sa nasirang relasyon? O binigyan lang niya ng chance huminga ang sarili saglit?

Sa ngayon ay patuloy parin ang panunuyo ng dating partner na si Alwyn kay Jennica. Mas lalong magpupursigi malamang si Alwyn kapag nakita niya tong mga bagong videos ni Jennica.

READ ALSO: Alwyn Uytingco naghayag ng kanyang nararamdaman para kay Jennica Garcia matapos ang hiwalayan issue

Ano sa tingin nyo?

 

Lotlot De Leon, Isiniwalat ang nakaraan nina Janine Gutierrez at Vico Sotto

Angeline Quinto may house tour sa bago niyang bahay, ngunit hindi pala siya ang tunay na may-ari