in , ,

Isang dalagang nakasuot ng maigsi sa jeep, nagulat na lang sa ginawang ito ng lalaki sa kanyang harapan

Sa modernong panahon ngayon, hindi lamang ang mga technologies ang mabilis na nagbabago. Gayundin ang mga kaugaliin na ng mga tao ay sadyang nagiiba narin.

Naging open minded na ang marami sa makabagong pamumuhay ngayon. Ang iba ay tila nakakasama na, ngunit mayroon parin namang napapanatili ang magagandang paguugali noon.

Gaya na lang ng naging karanasan ng isag dalagang ito na sumakay sa pampublikong sasakyan.

Isang modernang babae kung tutuusin ang netizens may pangalang Clong Clong. Mula sa mga kagamitan maging sa kanyang pananamit.

Kwento ng dalaga, nakasakay siya sa isang pampublikong jeep isang araw habang nakasuot ng dress. Hindi siya kumportable sa kanyang byahe dahil sa dress na suot. Sabay naman sakay nang isang lalaki at umupo mismo sa kanyang harapan.

Napansin siguro ng lalaki na hindi siya kumportable. Kaya laking gulat na lamang niya nang biglang iaabot nang lalaki ang kanyang uniform upang ipantakip sa kanyang hita.


Hindi niya inakala na sa panahon ngayon ay mayroon paring lalaki na may pag galang sa mga kababaihang kagaya niya. Ibinahagi niya ito sa social media upang ipakita sa mga netizens ang magandang paguugaling ito na sana’y manatili sa mga kalalakihan.

“Share ko lang. Kanina habang nasa jeep may umupong lalake sa harapan ko. He offered me his uniform patong ko daw.”

Bagama’t hindi naman daw masagwang tignan ang suot, naisip parin ng lalaking ito na maari parin siyang masilipan.

“Naka dress ako pero hindi naman ganun kaiksi above the knee pag naka tayo.” 

Pagsasaad niya, noong una ay tinanggihan niya ito at humingi ng pasensya at sinabing aayusin na lamang niya ang kanyang pag-upo ngunit sa pangalawang pagkakataon ay nais pa rin ibigay ng lalaki ang kanyang dalang uniform na tila pagpapakita nga ng pagiging tunay na gentleman na bihira na lamang gawin ng mga kalalakihan sa panahon ngayon.
“At first tumanggi ako at nag sorry sabi ko tatabingi nalang ako ng upo but he insist na kunin ko yung damit. Dito pumasok sa isip ko na no matter how u dress as a girl nasa lalake padin talaga kung pano sila mag isip. Luckily gentleman si kuya. Again hindi po kaiksian yung dress ko at may short ako sa loob.”

“Ps. Baka ayaw niya lang nakikita yung pata ko? Hahahaha”
Matapos ibahagi ni Clong ang karanasan, maraming netizens ang humanga sa lalaking ito. Ayon sa kanila, bibihira na daw ang lalaking ganito. Ang iba ay ieenjoyin pa ang nasabing “view” sa kanilang harapan. Hiling nila na sana ay marami pa katulad niyang gentleman.
Ano pong masasabi niyo dito?

Bianca Gonzales, nabash dahil sa komento nito tungkol sa pagkapanalo ni Hidilyn sa Tokyo Olympics

Anak ng Grab Driver naglabas ng saloobin matapos buhusan ng customer ang ama ng mainit na sabaw dahil sa late delivery