in ,

Isang Sikat Na Loveteam Ginulat Ang Marami Matapos Ipakilala Sa Publiko Ang Kanilang Bagong Silang Na Anak

Ang mag-asawang celebrity na sina Joyce Pring at Juancho Triviño ay opisyal na ngayong magulang habang inihayag ang pagsilang ng kanilang unang anak na si Alonso Eliam, July 2.

Napagpasyahan nilang enjoyin muna ang intimate moment over the weekend kaya ngayon lang nila ibinahagi ang magandang balita.

Sa Instagram account ni Juancho ipinost niya ang larawan ng asawang si Joyce karga ang bagong silang nilang sanggol.

“July 2, 2021, we welcomed our firstborn son, Alonso Eliam Pring Triviño to this world. Guys, na witness ko lahat at ang masasabi ko lang, this is a feeling that [I] never had before.”

Hindi naman maipaliwang ni Juancho ang naramdaman nung unang marinig ang iyak ng kanilang anak. Animo para daw siyang nanigas habang pinagmamasdan na pagsisilang ni Joyce.

“I will always thank God for everything and now especially the gift of Life.”

Samantala, nagbahagi naman si Joyce ng isang open letter para sa anak kasama ang larawan ng napacute na kamay nito.

“Here you finally are, cradled in my arms, taking Mama and Dada’s breath away with every coo, every movement, every little magical thing about you,” she said. “There has never been a more joyful time in our lives — and we’re just so blessed our amazing God has chosen us to be your parents.”

Sinabi din niya na ang kanyang anak ay ipinanganak sa via normal delivery nung umaga ng Biyernes, Hulyo 2.

Ang mag-asawa ay nakatanggap ng maraming pagbati mula sa kapwa celebrities gaya nila Sheena Halili, Gabbi Garcia, Iya Villania at Marian Rivera.

Congratulations!

 

Aljur Abrenica madamdaming kinanta ang awiting “Mahal Pa Rin Kita” sa gitna ng isyu nila ni Kylie Padilla

Paglalarawan kay Kris Aquino sa high school year book niya viral ngayon sa social media