in

Ivana Alawi inalala ang kauna-unahang trabaho niya bago pa pumasok sa showbiz

 

Inalala ni Ivana Alawi ang pinakaunang trabaho niya noong kabataan pa lamang niya.

 

 

Hindi ipinagkakaila ng actress-YouTuber na si Ivana Alawi na nagtatrabaho siya noon bilang waitress sa kanilang family’s restaurant sa Bahrain.

 

 

Ibinunyag ito ni Ivana sa vlog ng kanyang kapatid na si Hash Alawi.

Kung saan tinanong siya kung ano ang kanyang unang naging trabaho.

 

 

Bilang nagkasama sila noon, alam na alam iyon ni Ivana. Gayunpaman, si Mona ay hindi na nila nakasama doon dahil mas bata ito ng di hamak sa kanila.

 

 

Nagtrabaho sila sa negosyong ito ng kanilang ama upang kumita sila ng sarili nillang pera kahit mga bata pa sila. Malaki rin ang naitulong ng karanasan nilang ito upang mas maging responsable at disiplinado sila sa buhay.

 

 

“Ako taga punas ‘dun. Kasi dati sa Bahrain meron kaming restaurant tapos ako yung taga-punas. Si dad kasi yung may-ari nung restaurant so ginagawa niya kaming mga waiter, waitress para kumita kami ng pera parang ganun. Tapos nahihiya akong kunin yung mga order nung mga tao kasi parang sosyal.” Pagkukwento ni Ivana.

 

 

Masaya ring naikwento ni Hash na tuwang-tuwa pa silang magkakapatid noon habang ginagawa ang kanilang mga trabaho at nag-uunahan pa silang magpunas ng mga lamesa. Tunay nga na sa kabila ng tagumpay na tinatamasa nila sa ngayon ay nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakatapak sa lupa

 

 

Sa kasalukuyan, si Ivana ay maituturing na isa sa pinakamatagumpay na local YouTube content creator.

 

 

Marami ang humahanga at nagmamahal sa kaniya ngayon dahil sa kagandahan ng kaniyang kalooban at gayundin naman ng kaniyang pisikal na hitsura at pangangatawan.

 

 

Kaya naman, hindi kataka-taka na si Ivana ay kilala bilang isa sa pinakamtatagumpay na YouTube content creator sa bansa.

 

 

Narito kanila ang video:

Naalala niyo pa ba ang Internet sensation na si Mader Sitang? Ito na ang itsura niya ngayon!

Sikat na vlogger na si Mariano Lingay naka-jackpot sa kanyang napakagandang kasintahan