in

Jean Garcia may pasaring sa post ni Alwyn Uytingco tungkol sa kanyang anak na si Jennica Garcia

 

Mukhang para kay Alwyn Uytingco diumano ang latest post ng beteranang aktres na si Jean Garcia.

 

 

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang tila panliligaw muli na post ni Alwyn Uytingco para sa asawang si Jennica Garcia.

 

 

Kung saan makikita ang larawan ng kanyang estranged wife na si Jennica Garcia na may hawak na bulaklak.

 

 

“Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita,” sulat ni Alwyn sa kanyang caption.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alwyn S. Uytingco (@alwynzky)

 

Wala namang naging sagot si Jennica ukol sa post ng dating asawa.

Kung matatandaan nakaraang buwan lamang ay kinumpirma na nga ng aktres na hiwalay na sila ni Alwyn.

 

 

Ito’y matapos ang halos pitong taon nilang pagsasama at nagakaroon pa sila ng dalawang anak.

 

 

Samantala, kung walang sagot si Jennica, tila ang kanyang ina ay may pasaring para kay Alwyn.

 

 

Mga tatlong oras matapos na mag-post ni Alwyn ay nag-post naman ang kanyang mother-in-law na si Jean Garcia, sa kanyang Instagram na hinala ng Netizens ay patukoy kay Alwyn.

 

 

Ipinost nito ang quote na: “You can love someone with all your heart.  But if they’re not going to be a good person for you, in your life, then it’s time to just say goodbye.” 

 

 

At kasunod noon ay ang caption na: “Just saying…” kasama ng yellow heart emoji, sunflower at letter X.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jean Garcia (@chic2garcia)

 

Komento tuloy ng isang netizen, “sunflower un hawak ni jennica sa post ni alwyn… and this post is an answered message i think sa message sa post.”

 

 

Para nga kaya kay Alwyn ito?

Matinding pahayag ni Bimby tungkol sa kanyang amang si James Yap, ikinabigla ng maraming netizens

Barbie Forteza nagbigay na ng pahayag matapos umanong maagaw ni Sanya Lopez ang titulong Kapuso Primetime Princess