in , ,

Jennica Garcia, nawindang sa kanyang nickname na ginawa ng inang si Jean Garcia sa viber

Sa Instagram, nag-post ang aktres na si Jennica Garcia ng screenshot ng kanyang nickname na pumukaw sa puso ng mga netizens.

Hindi maiwasang mapanganga ng 32 anyos na aktres, matapos makita ang nickname na ginawa sa kanya ng kanyang ina na si Jean Garcia sa instant messaging app na Viber.

Sa nasabing post, makikita ang palayaw ni Jennica bilang; “My Pride and Joy, Jennica Honey” na umantig sa puso ng ilang netizens.

Gayunpaman, hindi napigilan ni Jennica na pagtawanan ang kanyang palayaw matapos mapagtanto ang ilang bagay tungkol dito.

 

 

“Yung ang sweet ng pangalan ko sa phone ng Mama ko… Hanggang sa na-realize ko na pinagsama ni Mama ang PRIDE Laundry Detergent Soap at JOY Dishwashing Soap para idescribe ako.” 

 

 

Nilinaw naman nito na hindi ito isang sponsored post, na nagpatuloy sa pagsasabing mag-iipon na siya ng pera para makabili ng kanyang sarili ng dishwasher.

 

“Amoy sabon pang laba at dishwashing soap po ba ako Ma? Mag tatabi na talaga ako ng pang bili ng dishwasher. Last year ko pa sinasabi na bibili na ako ng dishwasher.” 

 

Samantala, sa comment section ng kanyang post, itina-tag pa ni Jennica ang kanyang ina,

“Dear Ma, di mo kailangan mag-explain. What’s done is done. Nagmamahal, Pride and Joy @chic2garcia.”

 

Gab Valenciano, niresbakan ng bongga ang kanyang b4sher sa social media

Beteranang aktres na si Gloria Sevilla, namalaam na sa mundo sa edad na 90