in

John Lloyd Cruz unang mapapanood sa Kapuso Network dahil kay Willie Revillame

 

Sa kanyang pagbabalik showbiz, unang matutunghayan si John Lloyd Cruz sa Kapuso Network.

 

 

Kumpirmado na ngang mapapanood sa GMA ang kilalang Kapamilya actor na Si John Lloyd Cruz.

 

 

to ang pagbibida ng GMA sa kanilang post sa Instagram. Sa nasabing post, ibinahagi ng GMA na malapit nang muling masilayan ng mga fans si Lloydie.

 

 

Sa naturang post, makikita si John Lloyd kasama ang Wowowin host na si Willie Revillame at si Direk Bobot Mortiz.

 

 

“Nagkita sina #Wowowin host Willie Revillame, Direk Bobot Mortiz, at ang aktor na si John Lloyd Cruz… At mukhang may dapat abangan soon!” ayon sa post.

 

 

Marami naman ang nagulat ukol dito, dahil kilala si John Lloyd na nagsimula sa Kapamilya Network.

Pero mas marami ang excited sa kanyang muling pagbabalik.

 

 

Samantala, isa din si Willie Revillame sa nag-kumpirma na mapapanood nga si Lloydie sa Kapuso Network.

 

 

Magsasama sila sa 6-6 Shopee Super Mega Fiesta at mapapanood ito sa Linggo, June 6, 2 pm.

 

 

Si Willie ang blocktimer producer ng nabanggit na television special na magaganap sa Smart Araneta Coliseum at siya ang personal na nakipag-usap kay John Lloyd para sa special guesting nito.

 

 

Ang nalalapit na paglabas ni John Lloyd sa television special ni Willie ang unang pagkakataon na makikita ang multi-awarded actor sa isang live show matapos na pansamantala niya na tinalikuran ang show business noong October 2017.

 

 

Ilang araw pa lang ang nakakalipas mula noong mapabalitang nagkausap sina Kuya Wil at John Lloyd sa Puerto Galera.

 

 

Dahil sa heart-to-heart talk nilang dalawa ay mas naunawaan raw ni Willie ang naging desisyon ng aktor.

 

 

Halos limang taon ding namahinga sa mundo ng showbiz ang award-winning actor matapos magdesisyon na mamuhay nang simple sa probinsya kasama ang dating partner na si Ellen Adarna at ang anak nilang si Elias Modesto.

Tim Sayer nakapagpyansa na, nagbigay na ng pahayag tungkol sa kasong isinampa ni China Roces

Proud seaman, buong pagmamalaki na ipinaglaban sa mga mapanghusga ang PLUS SIZE na GF