in , ,

Judy Ann Santos inisnab ng isang baguhang love team

Ibinahagi ni Judy Ann Santos ang isang experience kung saan hindi siya pinansin at hindi binati ng isang young love team.

Sa isang interview ni Meryl Soriano kay Judy Ann, inkunwento ng award winning actress kung paano kailangang makisama sa mga tao sa showbiz.

RELATED: Totoong ugali ni Judy Ann Santos nasaksihan ng mga fans sa isang mall

Sa kalagitnaan ng kanilang kwentuhan, hindi naiwasang hindi ibahagi ni Juday ang isang experience niya sa young love team na nag-snubb sa kanya at sa iba pang senior celebrities.

“Ang isa sa mga na-experience ko ‘yung bagets, love team ito at medyo kilala, ‘yung dumaan lang. Hindi ka naman nagha-hanap ng atensyon pero ‘yung respeto lang.”

Hindi lamang siya ang mas nakakatandang artista na naroon sa nasabing event ayon sa kanya.

“Parang marami naman ding mga artista nung mga time na ‘yun na di hamak na mas matanda sa kanila. Ako, hindi na ‘yung respeto sa status e, ‘yung respeto lang sa nakakatanda.”

Samantala, nagkaroon din daw si Meryl ng same experience gaya kay Juday.

May isang pagkakataon sa isang taping kung saan hindi niya pinansin ang isang aktor na hindi man lang daw siya binati.

Nagbigay naman si Juday ng isang paalala para sa mga batang artista na magkaroon ng respeto hindi lamang sa kapwa artista. Kundi maging sa mga production staff na kanilang nakakatrabaho.

“Instinct na ‘yun na batiin mo lahat ng kasama mo sa trabaho,” 

“Para sa mga kabataan, kumbaga ‘yung gratitude na ito ‘yung trabaho natin, naka-aircon tent tayo. Di hamak na mas malaki ‘yung kinikita ng mga artista sa mga gaffers, staff and crew. but yet ang trabaho nila ay times 10 sa ginagawa natin.”

 

Dagdag pa nito,

“Very privileged ang mga artista sa ginagawa kaya kailangan natin magbigay ng mas malaking respeto sa mga bumubuo ng eksena,”

“So I hope kung may magiging artista man sa mga nanonood sa atin ngayon. please remember to value the people around you.”

 

RELATED: At 40’s, Judy Ann Santos, pinawow ang netizens sa kanyang mga bagong larawan.

 

Celeb couple na sila Kylie Versoza at Jake Cuenca hiwalay na? Tweet ni Kylie tila may pahiwatig

Magbubuhay reyna! Fiancé ni Maja Salvador na si Rambo Nunez, grabe pala kaPowerful at yaman!