in

Kisses Delavin kumpirmado na nga bang sasali sa Miss Universe Philippines 2021?

 

Trending ngayong umaga sa Twitter Philippines ang pangalan ng former Pinoy Big Brother: Lucky 7 finalist na si Kisses Delavin.

 

 

Dahil hinihikayat siya ng kanyang mga tagahanga na sumali sa Miss Universe Philippines 2021.

 

 

Kumbinsido ang supporters ni Kisses na malaki ang tsansa ng kanilang idolo na maging successor ni Rabiya Mateo.

 

 

Sa mga hindi nakakaalam, bago naging housemate si Kisses noong July 2016, kinoronahan siyang Miss Masbate at Miss Kaogma noong taong ding iyon. Naging Miss Teen Masbate rin si Kisses noong 2013.

 

 

May mga fan na tuwang-tuwa, dahil bago pa naman daw naging artista si Kisses ay beauty queen na talaga ito.

 

 

Kaya ngayong matunog ang balita na sasabak ito sa Miss U PH, suportado nila ito mula simula hanggang dulo.

 

 

Taglay din umano ni Kisses ang ugali ng mga beauty queen, na may mga adbokasiya. Si Kisses nga raw, sa sariling paraan ay tumutulong sa mga kapuspalad.

 

 

Ang balitang ito ay unang ibinahagi ng Philippine Pageants Official thru social media post.

 

 

Saad sa kanilang post, “She’s ready to conquer the UNIVERSE! CONFIRMED! Kisses Delavin will join Miss Universe Philippines 2021”

 

 

Unang nakilala si Kisses ng maging housemate siya sa pamosong bahay ni Kuya.

 

 

Nang siya ay ma-evict nag-umpisa na ang kanyang career sa ABS-CBN at kalaunan ay lumipat din siya sa Kapuso network.

 

 

Saad naman ni Jonas Gaffud, ang creative director ng Miss Universe Philippines, at isa sa mga pumipili sa mga possible candidates ay hindi pa niya nakikita si Kisses.

 

 

Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang mga tagahanga ng 22-year-old star, at umaasa silang bago matapos ang maghapon, may surprise announcement si Kisses para sa kanila.

Paglalarawan kay Kris Aquino sa high school year book niya viral ngayon sa social media

Dani Barretto ibinahagi ang dahilan ng alitan nila ng kanyang amang si Kier Legaspi