in ,

Kuya Guard nagsilbing Teacher ng mga Street Kids habang LOCKDOWN

Isang Security guard ng isang Pawnshop ang nagsilbing guro ng mga batang lansangan habang pinapatupad ang Lockdown period.

Ang guard ay nakilalang si Rene Abelita, nagtatrabaho sa Palawan Pawnshop bilang Security guard malapit sa Arellano University Manila. Siya ay nagdesisyong maging guro ng mga batang lansangan habang quarantine period dahil sarado ang mga paaralan.

Ilang Government Officials ang ng rekumenda na maging online class na lang at study at home. Pero hindi lahat ay kaya ang nasabing bagong klase ng pagaaral.

 

Matiyagang tinuturuan ni Rene ang mga batang lansangan habang siya ay nakaduty sa kanyang trabaho. Tinuturuan niyang magsulat at bumasa ang mga bata. Masasabing malaking tulong ito habang hindi pa tiyak kung kelan babalik sa normal ang pagbubukas ng klase.

Si Facebook user na si John Robert Flores ang nakadiskubre sa ginagawang kabaitan ng guard sa mga batang lansangan.

“napadaan kami sa palawan pawnshop sa arellano university. And spotted si kuyang security guard na tinuturuan nyang magbasa at magsulat yung batanakakaproud lang kasi kahit di nya kaano-ano but still tinuruan nya parin kasi may busilak siyang puso i salute you kuyang sg sana patuloy ka parin bigyan ng blessings ni lord dahil sa mabuting at busilak kang puso para matulungan ang batang yan,” 

Nais naming marinig ang inyong komento ukol sa ginawa ni Rene.

Simpleng pamumuhay ni Rica Peralejo matapos talikuran ang showbiz

Dating Child Actor, Nakatira na lamang sa isang Garahe Ngayon