in ,

Lumang aparador sa isang apartment na nababalutan ng ‘misteryo’, laking gulat nila sa natuklasan na katotohanan

Habang lumilibot si Sherly sa paligid, ipinapaliwanag ng kasera ang kanyang terms sa apartment na iyon.

“Ganito ang usapan One month deposit, one month advance, Kasama na ang upa sa tubig, pero pag dating sa kuryente, ikaw na ang bahala.”

Sa pagmamasid ni Sherly sa nasabing apartment ay naging okey naman ito para sa kanya. Isang Bungalow type na may katamtamang laki, mayroong dalawang silid, palikuran, sala at kusina. Ang upa sa apartment ay nagkakahalaga ng Php3,000 kada buwan at bukod pa ang hinihingi ng kasera na one monthe advance at one month deposit.

“Okay sige po Kukunin ko na po,” sambit ni Sheryl sa kasera na si Aling Lydia na may edad na 50 taong gulang. Sagot naman ni Aling Lydia,

“Salamat sayo ineng, Mukang magkakaroon na naman ako ng magandang boarder dito. Huwag ka mag-alala ineng tahimik at payapa naman dito.

Mababait ang mga tenants ko at kung may kailangan ka naman nasa dulong block lang ako” 

Habang masayang nagke-kwetuhan ang dalawa nasingit naman ni Aling Lydia ang tungkol sa bahay.

Sa gilid ng silid ay kapansin-pansin ang isang malaking lumang aparador na kawangis ng mga makikita mo sa mga horror movies.

May mahigpit na paalala naman si Aling Lydia kay Sheryl.

“Ang lahat ay pwede mo gawin dito maliban lamang diyan sa antigong aparador na yan dahil gamit naman ang nandyan at mga lumang damit.”

Si Sherly ay tubong Mindoro, nag iisa lamang siyang naninirahan dito sa Manila. Dahil nga siya ang breadwinner ng pamilya, nagdesisyon siyang magtungo sa city upang makapag trabaho ng maayos upang maiahon ang pamilya sa hirap.

Mag a-apat na taon na si Sherly sa Manila nabanggit din niya na sa loob ng apat na taon ay palipat-lipat din siya ng trabaho. Sa kasalukuyang nagtatrabaho si Sherly sa isang BPO company sa Makati. Kaya naman napagpasyahan din nitong maghanap ng matitirhan malapit sa kanyang pinapasukang trabaho.

Alanganing oras, habang natutulog ay naalimpungatan si Sheryl. Pakiramdam raw niya ay may nagmamasid sa kanya. Upang huwag lalong matakot, binalewala na lang niya ang naramdaman.

Kinaumagahan, saglit na umalis si Sherly sa bahay para bumili ng makakain at mga kailangan sa bahay, Pag balik niya ay naabutan niyang nagwawalis si Aling Lydia sa may labas ng bahay.

“Kamusta ka naman doon sa bahay?” Tanong ni Aling Lydia

“Ayos naman po. Pero.. matanong ko lang po, napabendinsyunan ninyo po ba ang bahay?” nangangambang tanong ni Sheryl kay aling Lydia na parang nagalit sa tanong.

“Bakit ineng? May nararamdaman ka bang kakaiba?”

“Ahm.. wala naman po. Natanong ko lang po, Hindi rin naman po ako matatakutin sa multo,” sagot nalang ni Sheryl.

Kinagabihan, hindi dinadalaw ng antok si Sheryl, gising na gising parin siya. Inisip na lang niya na namamahay lamang siya kaya naman nahirapan siyang matulog nung mga oras na yun. Iniisip din kasi niya ang kanyang pamilya sa Mindoro.

Gustuhin man niyang umuwi sa kanila, hindi niya ito magawa dahil iniisip niya sampung kapatid na tanging sa kanya lamang umaasa.

Maya maya ay may naramdaman siyang kakaiba sa sala at kanya itong pinakiramdaman habang dahan-dahan tumatayo at binubuksan ang pintuan ng kwarto. Ngunit nang siya’y makalabas, wala namang tao. sa

Multo ba iyon!?

Ilang beses na nakakaramdam ng takot at kilabot sa katawan ni Sherly.

Bagamat hindi man naniniwala si Sheryl sa mga multo, ngunit di niya mapaliwanag ang mga nararamdaman sa bahay na iyon.

Lumipas ang ilang linggo, napapansin na ni Sherly na mdalas na siyang mawalang ng mga gamit. Lalo na ang mga panloob ng damit na hindi niya pa nalalabhan.

“Imposible naman mawala nalang bigla ang mga panty ko? Sino naman ang kukuha non?” tanong ni Sheryl sa sarili.

Nagmamadali siyang tumakbo at lumabas ng bahay upang tignan kung may namboboso sa kaniya. Ngunit wala nnaman siyang taong nakita sarado rin ang pintuan at ang bintana.

Napatingin siya sa nakakatakot na aparador. Napansin kasi niya na medyo angat ang pinto nito. Nakaramdam na naman siya ng takot.

Naglakas loob siyang lapitan ito at buksan.

Habang unti-unti niya itong hinahawakan kumaluskos na naman ang aparador at hanggang sa nabuksan niya ito ng tuluyan. Hindi siya makapaniwalala sa nakita, nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa loob ng aparador.

Butas at sira ang dingding na kinalalapatan ng antigong aparador. Ito ay may malaking siwang na maaring pasukan ng kahit sinong tao. Nagsilbi itong lagusan patungo sa labas ng bahay.

Natakot si Sherly hindi dahil sa iniisip na multo kundi dahil posibilidad na palaging may taong nakasilip at nakakapasok sa kanyang inuupahang bahay. Doon dumadaan sa sirang dingding na kinalalagyan ng aparador.

Ipagbibigay alam sana niya kay Aling Lydia ang natuklasan, ngunit nagulat ang ito ng magkitang nagkakagulo sa labas at may babaeng sumasampal kay Aling Lydia habang nakapaligid ang mga tanod.

Nalaman nila Sherly na lahat pala ng pinapaupahan ni Aling Lydia ay may ganitong set-up mayroong isang nakakatakot na antigong aparador na nakalapat sa butas ng dingding para madaling makalabas pasok ang gusto manloob sa naturang paupahan. Napag alaman din na puro magagandang babae ang tinatanggap niyang tenants at hindi siya tumatanggap ng may pamilya.

Lumabas din ang tunay na pagkatao ni Aling Lydia. Siya pala ay may pusong lalaki kaya hanggang ngayon ay wala pa itong asawa. Ginagawa niya itong siwang para makapanilip sa mga magagandang babae na kanyang tenant.

Sinampahan naman ng kaso si Aling Lydia ng ibang mga tenant. Si Sherly naman ay hindi na nagsampa ng kaso ang tanging nais lamang niya ay irefund ang perang naihulog na one month deposit at advance. Upang makahanap ng bagong titirhan.

Naaalala niyo pa ba ang mga pantasya ng bayan noong 90’s? Ito na pala ang buhay nila ngayon

Dalagang na inlove sa lalaking nakilala sa mobile online game, ibinenta ang motor ng ama upang mapuntahan ito ngunit hindi naman siyasinipot