Kamakailan lamang ay labis ang saya ni Maja Salvador dahil sa wakas ay officially engaged na siya sa kanyang nobyong si Rambo Nunez.
Ibinahagi ni aktres ang bagong yugtong ito sa kanyang buhay sa Instagram nitong lamang Linggo ng gabi, April 17.
Maraming kinilig sa naging intimate proposal ni Rambo, na kahit simple lamang ay sobrang sweet ng dating.
Sino nga ba si Rambo Nunez?
Kinaiinggitan ngayon ng karamihan si Maja Salvador, dahil sa successful ang career ay successful din ang lovelife.
Lalo na kapag nalaman pa ng marami kung gaano nga ba ka-powerful at kayaman itong fiance ni Maja.
.
Si Rambo Nunez, 36, ay isang kilalang businessman at financier sa bansa.
Nagmula siya ni sa isang mayamang ankan sa Cagayan de Oro.
Si Rambo ang Presidente ng Proof Eyewear sa Pilipinas at isang Chief Marketing Officer ng isang Unit sa 27 Apartment Bar and Cafe.
Naging Marketing Director din siya sa Elorde Wack Wack at Presidente ng Forthinker, Inc. Pagkatapos nito, si Rambo Nuñez ay naging President naman ng PopUp Digital PH.
Dahil sa posisyon nito sa businessworld, di maikakaila kung gaano ka-powerful si Rambo.