in , ,

Mariel Padilla, hindi inakalang ganito kahirap ang pagiging housewife, matapos umalis ang mga kasambahay

Marami sa atin ang hanggang ngayon ay hindi aware sa hirap at sakripisyong hinaharap araw araw ng isang plain housewife.

Marahil, sa tingin ng iba ay madali lamang ang buhay ng mga ina, dahil nga naman nasa bahay lang araw-araw.

Lingid sa kaalaman ng marami, bukod sa pagaalaga sa mga anak, parte ng pagiging housewife ang paagaasikaso sa mga gawaing bahay. Pagluluto, paglilinis, paghuhugas ng pinggan, paglalaba, etc.

Paano pa kaya ang hirap ng mga work at home moms na walang katuwang sa gawaing bahay?

Ganito ang realization na natutunan ng isang celebrity mom na si Mariel Rodriguez-Padilla. Ang mabuting maybahay ng sikat na aktor na si Robin Padilla, at ngayon ay may dalawa ng anak.

Bilang artista, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na talagang busy ang schedule ni Mariel. Bukod pa rito, may business din si Mariel na pinagtutuunan din ng oras ngayon. Kaya naman malaki ang pasasalamat nito sa kanilang mga mapagkakatiwalaang yaya na siyang nag-aalaga sa kanyang mga anak na sina Isabella at Gabriella.

Ipinakita ni Mariel ang kanyang appreciation sa kanilang mga kasambahay. Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ng celebrity mom na pansamantalang umalis ng bahay ang kanilang mga kasambahay para magpa-swab test, kaya naman siya lang mag-isa ang naiwang mag-alaga sa kanyang mga anak.

Habang si Robin naman ay nasa kabilang bahay nila, kung kaya’t mag-isa siyang naiwan sa bahay. Dahil dito, walang ibang choice si Mariel kundi tapusin ang lahat ng mga gawaing bahay nang mag isa lang siya. Kasama na dito ang pagbabantay kay Isabella at Gabriella.

Unang inasikaso ni Mariel ang kanyang mga anak. Ginising niya ang mga ito at pinakain ng breakfast.

Sumunod ay naglinis naman si Mariel sa kanilang bahay at naghugas na rin siya ng pinagkainan. Kitang-kita na ramdam ni Mariel ang hirap nang walang katuwang sa bahay.

 

Kaya naman nang makabalik na ang kanyang mga kasambahay ay labis ang tuwa ni nakahinga na siya ng maluwag.

Aniya, hindi talaga biro ang pagiging full time mom, kaya naman saludo rin siya sa lahat ng mga nanay na nagagawang pagsabayin ang kanilang trabaho at responsibilidad.

Tunay ngang magtatawag na Angels, ang mga kasambahay natin. Dahil sa kanila, nagiging magaan ang buhay ng isang pamilya lalo na nang isang ina.

Bagong post ng GMA Network tungkol sa pinakasikat na artista sa Pinas kumpirmadong si Bea Alonzo na nga!

Komedyanteng si Ate Gay, nagpasalamat kay Vice kahit may hidwaan sila noon!