in

Marjorie Barretto pinuri ang pag-aalaga ni Gerald Anderson sa kanyang anak na si Julia Barretto

 

Botong-boto at aprubado sa pamilya ni Julia Barretto ang relasyon nila ni Gerald Anderson.

Inamin ni Marjorie Barretto na si Gerald ang pinakagusto niya sa mga naging karelasyon ng kanyang anak.

 

 

Nabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz news update kasama si Mama Loi na nakausap niya umano si Marjorie Barretto.

 

 

Nabanggit umano nito sa kanya na sa lahat ng naiugnay sa anak niyang si Julia Barretto, pinakagusto niya umano si Gerald para sa anak.

 

 

Ito ay dahil umano sa pagiging napakamarespeto nito at maalaga umano kay Julia. Matatandaang matapos lumabas ang video ng panayam ni Ogie Diaz kay Dennis Padilla, muling naging tampulan ng pambabatikos ang dalawa.

 

 

Marami naman ang nag-aabang kung sasagutin o lilinawin ba ni Marjorie ang kanyang panig matapos ang pinag-usapang mga pahayag ni Dennis kamakailan.

 

 

Matapos aminin nina Gerald at Julia ang kanilang relasyon sa publiko ay nakasama na agad niya ang pamilya ni Julia.

 

 

Base sa litratong ipinost ng sister ni Julia na si Dani Barretto sa Instagram, nakasama nila ang Kapamilya hunk actor sa beach trip nila kamakailan.

 

 

Makikita sa litrato sina Julia at Gerald kasama ang inang si Marjorie. At mga kapatid na sina Leon, Claudia at Dani with her husband Xavi.

 

 

Kasunod ng paglabas ng litrato ni Gerald kasama ang buong pamilya ni Julia, isa pang “family photo” ang kumalat sa social media

Kung saan kasama naman nila si Scarlet Snow, ang anak nina Vicki Belo at Hayden Kho.

 

 

Samantala, matapos nga lumabas ang nasabing interview ni Ogie kay Dennis, marami ang nakapansin.

 

 

Na hindi na rin napapanood ang interview ni Julia sa kanyang ama. Hindi na ito napapanood sa YouTube channel ni Julia.

 

Doktor na Tumulong sa Mahirap na Pasyente, Nagulat sa Ibinigay na Sobre Mula Dito

Batang Babae, pinaglihi daw umano sa isang Barbie Doll