in

Matapos kay Julia Barretto, Lolit Solis kay Marian Rivera naman ikinumpara si Bea Alonzo

Ipinagkumpara ni Lolit Solis ang dalawang Kapuso actress na sina Bea Alonzo at Marian Rivera.

Hindi pa din nga tinatantanan ni Lolit si Bea, magmula nang mapabalitang pinatanggal siya ng aktres. Sa listahan ng mga press people na dadalo sa isang event na si Bea ang endorser.

Nauna na nga niyang ikinumpara si Bea kay Julia Barretto. Na sinabing mas fresh daw ito kaya siya ipinagpalit dito ng dating boyfriend na si Gerald Anderson.

At ngayon nga sa latest post ng beteranang entertainment columnist ay inihambing naman ni Manay Lolit kay Marian si Bea.

Ayon kay Lolit, dapat umanong gayahin ni Bea si Marian at ‘wag masyadong mag-feeling reyna. Gayung malapit na ito maging senior star.

“Talagang si Marian Rivera na 5 years na sa Beautederm bilang endorser ang dapat gayahin ng mga nagpi feeling reyna pero wah naman, malapit ng maging senior star pabata effect pa ang arte,” pahayag ni Lolit.

Ani Lolit, kahit may dalawang anak at asawa na si Marian ay mas mukha pa rin itong bata kaysa kay Bea.

Hindi rin umano power tripper si Marian kaya nito natagpuan ang asawang si Dingdong Dantes.

“Si Marian Rivera may asawa at 2 anak na pero mas mukha pang bata kaysa kay Bea Alonzo. Tunay na reyna, pero hindi nag power tripping. Kaya nakatagpo ng isang mabuti at poging asawa dahil karapat dapat mahalin. Never nakatikim ng ghosting,” sey pa ni Lolit.

Dagdag pa ni Lolit, si Marian umano ang sundan ni Bea para hindi lumamlam ang kanyang career at makatagpo siya ng taong mamahalin siya at hindi iiwan.

Sa huli, pinayuhan ni Lolit si Bea: “Take my advice Bea, be nice at lalo kang gaganda, be sweet not only outside pero dapat sa puso.

Toni Fowler itinaggi na scripted ang naging pag-aaway nila ni Rob Moya

Andrea Brillantes isa-isang sinagot ang mga isyung ibinabato laban sa kanya