in ,

Matapos Mabuking, Beauty Queen Lumuhod sa Inang Garbage Collector Para Magpasalamat

Ang tunay na kagandahan ay hindi lamang makikita sa labas na kaanyuan, ngunit ang totoong kagandahan ay makikita sa kalooban.


Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng mala beauty queen na ganda. Meron namang lubos na pinagpala at nagkaroon pareho.

Tulad na lamang ng beauty queen na ito na hindi tinalikuran ang kanyang ina. Noong 2015, naiuwi ni Khanitta Phasaeng ng Thailand ang korona sa Most Unc3ns0red News Thailand.

Si Khanitta Phasaeng, isang 17 taong gulang na Thai beauty queen ay nag-viral sa social media. Ito ay matapos kumalat ang heartfelt photos sa social media. Kung saan makikita ang ang kanyang pagluhod sa paanan ng kanyang ina.

Sa pagkamit ng titulo, ang pagluhod niya sa paanan ng kanyang ina ang pinakadakilang tanda ng paggalang sa dito.

Gayunpaman, ang kanyang tagumpay ay halos maglaho matapos malaman ng organisasyon ang  itinatagong lihim ng kanyang nakaraan.

Ang nakakalungkot na nakaraan ni Khanitta, hindi ito nagkaroon ng pagkakataong makatungtong ng high school dahil hindi man lang siya nakatapos sa ikatlong baitang.

Naibunyag din na siya ay anak lamang ng isang basurero na nagpapakahirap makaros lang sila sa pang-araw-araw.

Ngunit si Khanitta ay hindi kailanman ikinahiya ang kanyang pinanggalingan, bagkus inilaan pa niya ang kanyang tagumpay sa kanyang mapagmahal at dakilang ina.

Maaaring lumaki nga siya sa kahirapan, ngunit tiniyak ng kanyang ina na magkakaroon ng pagkain sa kanilang hapag araw araw. Sa kanyang murang edad, tinutulungan niya ang kanyang ina na mangalkal ng basura at maghanap ng mga maaring ibenta mula dito.

Hindi naging hadlang ang hirap na kinaharap noon, bagkus naging daan pa upang pilitin niyang abutin ang kanyang mga pangarap.

Ito ang nakakaantig na kwento sa likod ng viral photos ng beauty queen.

Dahil para sa kanya, ang kanyang ina ang kauna unahang taong dapat niyang pasalamatan at paghandungan ng karangalan.

Sa kabila ng pagsisinungaling nito sa kanyang application, nagpasya ang organisasyon na payagan siyang mapanatili ang kanyang korona.

Tunay ngang pinatunayan ni Khanitta deserve niya ang korona dahil ang kanyang kagandahan ay higit pa sa pisikal na hitsura. Dahil mayroon din siyang malaking respeto at humbleness inside.

Samantala, marami ang humanga sa kanya ipinakitang kagandahan sa panloob at panlabas.

 

 

Aktor na si Polo Ravales nakunan ng video habang nakikipag-away sa daan kasama ang buntis na GF

Sa kabila ng offer na tulong kay Ms.Myanmar, Pokwang tila mas napasama pa sa mata ng iba