in ,

Matinding pahayag ni Bimby tungkol sa kanyang amang si James Yap, ikinabigla ng maraming netizens

“Any man can be a father, but it takes a special person to be a dad.”

Ito marahil ang definition ng bunso ni Kris Aquino sa salitang ama.

Kamakailan ay matapang na humarap si Bimby sa tell-all video ng kanya mismong ina na si Kris. Dito ay napagusapan nila ang tungkol sa kanyang ama na si James Yap, isang basketball player.

Isang open book ang buhay ng pamilya ni Kris, kaya naman alam ng lahat na halos buong buhay ni Bimby ay wala ang kanyang ama sa tabi nito.

Sa isang episode ng tell-all series ni Kris Aquino sa kanyang Instagram, nagbahagi ang dalawa ng ilang personal na rebelasyon. Tinalakay nila ang buhay pag-ibig ni Kris at ang issue kay Bimby tungkol sa totoong kasarian nito.

Nang tanungin si Bimby kung nakakaramdam siya ng loneliness at kakulangan sa paglaki kasama lamang ang ina, ito ang naging sagot niya:

“No, kasi I have such an awesome Mama.”

Ang 14yrs old na si Bimby ay nagpatuloy sa pagbanggit ang bawat taong mahal niya at ang mga nagpakita ng kabutihan sa kanya.

Nang itanong naman ni Kris kung napatawad na ni Bimby ang kanyang ama, narito ang kanyang naging sagot:

“Yeah ’cause… Sorry sa bluntness po ha, I don’t really care.”

Pagkatapos ay nilinaw niya ang kanyang mensahe:

“Hindi siya bastos po. You forget and when you look back at the memories those horrible memories mawawala na ‘yung pain.

“He has his own life, and I have my own life. We are not in contact…,” 

Ipinaliwanag naman ni Kris kalaunan na mali ang iniisip ng ibang tao na siya ang may desisyon na putulin ang koneksyon James kay Bimby.

Ayon sa kanya, hindi niya kailanman hinahadlangan si Bimby na kausapin ang kanyang ama.

“A lot of people think that I have prevented you from making contact with him.”

Sa katunayan, kabaliktaran pa ang nangyari at sinugundahan naman ito ni Bimby.

“He’s the one who’s not trying to get in contact with me. I have a phone, and it just takes like 10 digits to call me, e, hindi niya ginawa in ilang years.

“But all those people who love me who care about me are like 650,000 times better than what I could get from him.

“Sorry sa bluntness ko po.”

Humingi naman ng paumanhin si Bimby sa pagsasalita ng derecho tungkol sa kanyang ama.

Ano ang masasabi niyo tungkol dito?

Claudine Barretto pinahayag ang bagay na ito tungkol sa pamangking si Julia Barretto

Jean Garcia may pasaring sa post ni Alwyn Uytingco tungkol sa kanyang anak na si Jennica Garcia