in ,

Melai Cantiveros, numuhos ang emosyon habang kinukwento ang kalagayan ng kanyang ama ngayon

Bago naging isang ina, naging anak muna siya..

Bagamat iniiwasang umiyak, hindi na nagawang mapigilan pa ni Melai Cantiveros ang kanyang mga luha sa recent episode ng “Magandang Buhay”.

 

Ganun na lamang ang buhos ng emosyon ni Melai nang mapagusapan ang tungkol sa kasalukuyang pingdaraanan kanyang amang si Dionisio.

 

Ayon sa TV host, ang nararanasan ngayon ng kanyang ama ay isa sa kanyang worst fear na tila nangyayari na. Kaya naman, inihahanda na niya ang kanyang sarili kung sakaling lalala pa ang mga nangyayari.

 

Sa kabila ng lahat, pinipigilan din niyang Momshie Melai na umiyak ng sobra dahil nagagalit at naiistress ang kanyang ama kapag nakikita siyang umiiyak.

 

Bagama’t hindi niya tinukoy kung ano ang matinding pinagdaraanan ng kanyang ama, tila nakikipaglaban ito sa isang matinding problema sa kalusugan.

 

Aniya, “Si papa talaga, meron siyang pinagdadaanan ngayon. Mahirap talaga sa isang anak. Ito ‘yung isa talaga sa mga kinakatakutan natin na mangyari sa buhay natin ‘yung mga magulang natin, hindi ba? Pero masakit mang [isipin], ire-ready mo ang sarili mo kasi ipinahiram din sa iyo ni Lord.

 

Pagbabahagi ni Momshie Melai, sa kanilang pamilya ay siya ang nagpapakita ng katatagan. Kaya unti-unti niyang tinatanggap ang sitwasyon ng ama.

Ayaw na ayaw din daw siyang nakikitang umiiyak nito dahil hindi rin napipigilan ng ama na maistress.

Kaya naman kimkim niya ang bigat ng kalooban para sa ama at pamilya nito.

 

Narito ang buong pahayag ni Melai.

Sa edad na 32, Sarah Geronimo saka lamang natutunan kung paano i-manage ang kanyang finances

Single mom PBB Big winner Miho Nishida, iniwan ang career, bumalik sa Japan at ngayon proud na nagtatrabaho bilang saleslady