in

Melai Cantiveros sinabing hindi niya obligasyon na pag-aralin ang kanyang mga kamag-anak

Ibinahagi ni Melai Cantiveros ang kanyang dahilan kung bakit ayaw niyang akuin ang responsibilidad ng kanyang mga kamag-anak.

Nang magsimulang kumita si Melai bilang winner ng Pinoy Big Brother noong 2009. At tuluyang pasukin ang showbiz, in-enjoy niya ang sariling pera.

Pero nagbago ang lahat ng ito ng magkaroon na sila ng anak ng kanyang mister na si Jason Francisco. Nagsimula na siyang mag-ipon para na rin sa kanilang supling.

“Pero this time, nu’ng nag-asawa ako, nagkaroon kami ng anak, nagbago na. Never na. Kung ano ang ikabubuti ng anak namin, doon kami. May mga investment, may mga ipon. ‘Yung mga ganu’n,” sey ni Melai sa vlog ni Enchong Dee.

Kaya naman kahit kamag-anak niya ay kanyang tinuturuan na maging responsable sa kanilang mga sari-sariling pamilya.

Nilantad ni Melai na kapag may kamag-anak na nanghihingi sa kanya para sa tuition fee, hindi niya ito pinagbibigyan.

“Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, ‘Ba’t ako tuition fee ng anak mo?’ Eh anak mo ‘yan,” paliwanag ni Melai.

Aniya, bata pa lang sila ay tinuruan na silang huwag umasa kaya pinagsasabihan niya ang ibang kamag-anak na humihingi ng tulong sa kanya pagdating sa tuition.

“Kaya kapag responsibilidad mo, responsibilidad mo ‘yan. Kasi pinasok mo ‘yan. Hindi pwedeng ako ‘yan,” sabi pa ni Melai kasabay ng pagsasabing naiintindihan naman daw siya ng kanyang mga kapamilya.

Ngunit paglilinaw niya, pagdating naman sa pagbabakasyon o pagba-bonding ng pamilya, siya talaga ng sumasagot sa gastusan.

Single mom PBB Big winner Miho Nishida, iniwan ang career, bumalik sa Japan at ngayon proud na nagtatrabaho bilang saleslady

Toni Fowler, walang pagaalinlangang binulgar ang totoong nangyari nung gabi ng birthday ng ex na si Rob Moya