in

MGA MANGINGISDA SA NAUJAN ORIENTAL MINDORO NAKAHULI NG NAPAKARAMING ISDA!

 

Mahigit isang taon na magmula nang ipatupad ang iba’t ibang community quarantine sa buong bansa.

Bago pa ang sunud-sunod na bigwas ng mga bagy0 nang nakaraang taon, hinagupit na ng pandemya ang sektor ng pangisda.

 

 

Pinatindi ng krisis ng pampublikong kalusugan ang dati nang kris1s sa kabuhayan ng isa sa pinakamahirap na sektor ng lipunan. Pinalala pa ang kanilang kalagayan ng lockdown, na nagpataw ng mga restriksyon at nagkait sa kanila ng kanilang kabuhayan.

 

 

Nakapagpatuloy man sa pangingisda, naging pangunahing suliranin ng mga mangingisda ang pagbabagsakan ng mga huli.

 

 

Sa kabila nito, ilang beses lamang nakatanggap ang maraming komunidad ng mangingisda ng ayuda mula sa kani-kanilang lokal na pamahalaan.

 

 

Isa ring epekto ng pandemya ang kawalan ng trabaho at kabuhayan. Dahil dito, kinakailangan umano ng ilang mamamayang nawalan ng trabaho na mangisda na lang din.

 

 

Bilang resulta, dumami ang bilang ng mga nangingisda, rehistrado man o hindi, na naging kahati ng mga lehitimong mangingisda sa huli.

 

 

Pero sa pinagdaraanang pagsubok ng bansa, tila nag-uumpaw na biyaya naman ang natanggap ng mga mangingisda sa Naujan Oriental Mindoro.

 

 

Sa videong kuha ni Joshua Bargola netong Lunes, Abril 26, 2021, makikitang nag pe pyesta sa tuwa ang mga mangingisda at residente ng San Jose 1 , sa Bayan ng Naujan Oriental Mindoro matapos tumambad sa kanilang hinihilang lambat ang napakaraming huli.

 

 

Sa nasabing video ay tulog tulong ang napakaraming mangingisda sa pag-ahon sa lambat.

 

 

Naghihiyawan pa sila sa tuwa nang magtalunan ang napakarami at malalaking isda na kanilang nahuli.

 

 

Tila hindi sila makapaniwala sa biyayang ito, kaya’t pati sila ay nagtalunan na din sa tuwa at kanya-kanyang nagsijuhaan na din ng mga isdang nalambat nila.

 

 

Marami ring netizens ang natuwa sa nasabing video, ang ilan nga ay nagsabi na ito ay biyaya ng Maykapal.

 

 

Narito ang video:

Bimby Aquino set the record straight, debunks rumors about his gender orientation

Derek Ramsay, nagsisisi na nakipaghiwalay kay Andrea Torres