in

Miss Universe Canada Nova Stevens sinagot na ang ‘ungrateful’ rant ni Michael Cinco

 

Nagsalita na si Miss Universe Canada 2020 Nova Stevens ukol sa mahabang pahayag ng fashion designer na si Michael Cinco.

 

 

Kamakailan nga ay galit na galit na sinagot ni Michael Cinco ang kampo ni Miss Universe Canada 2020 Nova Stevens.

 

 

Ito ay ukol sa malilisyosong akusasyon laban sa kanya ng glam team ni Miss Canada.

 

 

Sa isang napakahabang Facebook post, inalmahan ni Michael ang ipinagkakalat ng kampo Miss Canada na sinabotahe raw niya ang beauty queen.

 

 

Marami naman ang nakisimpatya sa Dubai base international Pinoy fashion designer kumpara sa kampo ni Miss Canada.

 

 

Samantala, binasag naman ni Stevens ang kanyang pananahimik ukol sa issue.

Naglabas ng video si Nova Stevens at inilahad ang kanyang panig hinggil sa kontrobersyang kanilang kinasasangkutan.

 

 

“So I just want to address the few that recently transpire between my team MGmode and Michael Cinco,” panimula ng beauty queen.

Saad pa niya ay nais niyang linawin ang kinasasangkutan niyang kontrobersiya.

 

 

Ayon sa beauty queen, nasasaktan siya sa isyu dahil she has nothing but “love” for both parties.

“They both helped me in ways that I can’t even count. So every day I do count my blessings because of these two people”

 

 

“or I guess three cause MGmode are two people and Michael Cinco,” dagdag pa niya.

 

 

Nakiusap din ang 26-anyos na Canadian model sa netizens na huwag idikit ang “highlights” ng kanyang career at “great events” ng kanyang buhay sa mga “negativity.”

 

 

“So for all of you online, please don’t. Don’t get into the drama. It’s not worth it. Let’s not spread more negativity, let’s spread love.”

 

 

Sa huling bahagi ng video ni Nova, inalmahan niya ang pagtawag sa kanya ng ingrata at walang utang na loob.

 

 

Panoorin dito ang kanyang video:

Isang ginang, laging nawawalan ng pera, nasundan ang ‘nangungupit’ at lumantad ang mga nawawalang pera

Video ni AJ Raval habang naglilinis ng kwarto trending ngayon sa social media