in

Naaalala niyo pa ba si Paula Peralejo? Ito na pala ang buhay niya ngayon matapos iwan ang showbiz

 

Mas masaya na malayo sa showbiz ang dating aktres na si Paula Peralejo.

Na ngayon ay isang full-time nanay sa kanyang nag-iisang anak.

 

 

Ang dating teen idol na si Paula Peralejo ay ilang taon na ding hindi nakikita sa showbiz limelight. Nagsimula ang kaniyang showbiz career noong taong 1992 bilang isa sa mga cast members ng kiddie gag show na “Ang TV.”

 

 

Nagkaroon ng unang pelikula noong 1995 na pinamagatang “Sarah..ang munting Prinsesa”. Noong 1997 naman, napabilang sya sa Star Circle Batch 4 at napasama sa cast ng “Gimik”.

 

 

Napabilang din sya sa mga cast ng “Tabing Ilog” at ginampanan ang role bilang si Anne noong 1999.

Ngunit makatapos nito ay iniwan niya na lang ang mundo ng showbiz.

 

 

Ngayon ay pinili munang mag-stay sa Boracay ni Paula simula nang sumailalim sa ECQ ang NCR+.

 

 

Nag-extend siya ng stay doon kasama ang mister at ang anak na si P at nagdesisyon na sa halip na sa Manila abutin ng quarantine.

 

 

Sa Boracay na lang muna sila, kung saan, na-eenjoy pa ng kanilang anak ang nature.

 

 

At dahil nga sa mahigit isang buwang paninirahan nila sa Boracay, nag-a-update nalang si Paula sa mga ganap doon sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na @mama_the_explorer, kung saan nagba-bahagi siya ng mga pictures at videos na nagpapakita kung ano na lagay ng Boracay ngayon.

 

Traveler si Paula at halos napuntahan na niya ang bawat probinsiya ng Pilipinas.

 

 

Taong 2008 nang siya ay makapagtapos ng Magna Cum Laude sa kursong Philosophy minor in Tourism.

 

 

Noong Pebrero 23, 2013 ay ikinasal si Paula kay Charlie Fernandez sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan.

Dating sikat na aktres, namamayagpag noon, natagpuang ganito na ang kalagayan at palaboy laboy na lang sa kalsada ngayon

John Lloyd Cruz, naging emosyonal sa muling pagkikita ng kanyang anak!