in ,

Ogie Alcasid, Ibinuking ang itsura ng asawang si Regine pag walang make up

Alam mo ba ang itsura ng idol mo sa likod ng camera?

Sa mundo ng showbiz at TV, its a must kung tawagin ang pagkakaroon ng maganda at presentableng pisikal na kaanyuan. Lalo na sa harap ng camera, kung saan ipinapamalas ng mga celebrities na ito ang kanilang talento at husay sa kanilang larangan.

Isa sa pangunahing dahilan kung bakit lagi silang maganda ay dahil sa image na kanilang inaalagaan. Aminin man natin o hindi, ang pagkakaroon ng appearance ang pinakamadaling paraan upang pansinin tayo ng mga tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)

Kaya naman samu’t saring make up at enhancements ang katuwang ng mga celebrities sa kanilang trabaho.

Kasama na dito ang false eyelashes, pak na pak na kilay, matingkad na lipstick at makapal na foundation, upang matakpan ang mga impurities ng celebrity.

Ngunit alam naman nating lahat na ang mga make up na ito ay nagreresulta din ng pagkasira ng mukha kalaunan.

 

Kaya hindi naman nakakapagtaka kung ang isang artista ay walang lakas ng loob na ipakita sa madla ang kanyang no make up look.

 

Ngunit marami rin naman ang yumayakap sa kanilang imperfections at impurities gaya ng ordinaryong tao.

Gaya na lang ng batikang songwriter at singer Ogie Alcasid. Naging inspirasyon sa marami ang video na ipinost niya kung saan makikita ang pinakamamahal na asawang si Asia’s songbird Regine Velasquez fresh from the bed.

Buong pagmamahal na ibinahagi niya ang mga kuhang larawan sa kanyang asawa na bagong gising at wala pa kahit anong make up.

Kahit na wala pang ayos at make up, kitang kita parin ang natural na ganda ni Ms. Regine na talaga namang hinangaan ng marami.

Gayun narin ang labis na pagmamahal ng kanyang asawa na si Ogie na laging nakasuporta sa kanya.

IIlan lamang ang mga artistang may lakas ng loob na humarap sa camera ng walang make-up. Iilang lamang silang kayang yumakap sa kanilang imperfections at willing humarap sa mga fans gamit ang totoong sila.

 

 

Watch the video:

Pokwang spotted sa dressing room ng GMA studio, magiging Kapuso na nga ba?

Maui Taylor, May nakakatawang sagot sa comment sa kanya ng isang netizen!