in , ,

Patrick Sugui, nagsalita na kung bakit wala closefriends na sila Daniel at Kathryn sa kanilang kasal

Naging usap usapan ngayon sa social media kung totoong friendship over na para sa KathNiel at close friend nitong si Patrick Suqui.

Kilala sina Patrick, Aeriel, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kabilang sa barkadahang Nguya Squad na kinabibilangan ng iba pang mga artista.

Ngayon ay nagpaliwanag na si Patrick Sugui kung bakit nga ba wala sa kasal nila ni Aeriel Garcia ang KathNiel.

 

 

Noong April 20, 2022 ikinasal sina Pat at Ae na ginanap sa Forest Crest Nature Hotel & Resort sa Nasugbu, Batangas.

 

Ilan sa mga dumalong celebrities na kilalang close friends ng dawala ay sina  Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Ria Atayde. Sam Concepcion, Dominic Roque, Issa Pressman, at Julia Barretto.

 

Marami naman ang nagtaka kung bakit wala sina Kathryn at Daniel sa nasabing kasalan. Gayung isa din ang magkasintahan sa malapit na kaibigan ng mag-asawa.

 

May mga netizens na nag-assume na buwag na ngang talaga ang ‘Nguya Squad’ na kinabibilangan ng magkakaibigan.

 

Mababasa ito sa Instagram post ni Gabbi bilang pag-congratulate kina Pat at Ae.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)

Kaya naman sa comment section ay may prangkang sagot si Gabbi. Aniya, “This post is for Pat & Ae, our newlyweds mahiya naman po kayo.”

 

Nagpasalamat naman si Aeriel kay Gabbi sa post nito tungkol sa kasal nila ni Patrick. Komento niya, “ILYSM!!!”

 

May sumagot sa kanyang netizen, pero hindi na mababasa kung ano ang sinabi nito na tila offensive. Si Patrick ang sumagot para sa asawa.

 

Tila gigil na saad ni Patrick,  “pinagsasabi mo? Nasa lock in taping sila kaya wala sila. Nagmamarunong ka diyan? Close ka? Hanap ka ibang trip. Wag asawa ko.”

 

Pinakalma naman ni Gabbi si Pat.

Muling sagot naman ni Pat,  “diba? Ang saya saya namin, kakakasal lang. kahit sila happy for us, tapos sisihin asawa ko. Nyeee”

 

 

Nasa lock in taping ang KathNiel kaya hindi nakadalo sa wedding ng kaibigan.

 

Video ni Skusta Clee at hinihinalang ipinalit nito kay Zeinab Harake viral ngayon online

Going public? Maggie Wilson may matamis na mensahe para kay Tim, sila na nga ba?