in , ,

Pinakamamahal na lola ni Jake Zyrus namaalam na, Pamilya ng singer humihingi ng pinansyal na tulong

Namaalam na nga ang lola ng dating sikat na singer na si Charice Pempengco o mas kilala na ngayong bilang si Jake Cyruz.

RELATED: Jake Zyrus nagsisisi na sa mga naging desisyon niya sa Buhay noon

April 3,2022, ng sumakabilang buhay si Lola Teopista Pineda Relucio, lola ni Jake Cyruz.

Namalaam ang lola ni Charice ilang araw lamang bago sumapit ang kaarawan nito sa Abril 17. Ipagdiriwang sana ang ika-75 na taon nito.

Ang ina ni Jake na si Raquel ang naghatid ng malungkot na balitang ito at nakalagak ang labi sa Cabuyao, Laguna. Inihayag ni din Raquel ang naging estado ng ina bago pa ito mamaalam.

 

“Hindi na siya nagising nung umaga. Nakaburol siya sa Lopez, Quezon.

“Si Nanay kasi medyo papunta na sa dementia. Hindi na siya mapakali sa isang lugar.

 

 

“Nasa poder ko siya dati, pero lumayas tapos ibinalik ulit sa akin kasi wala nang tumatanggap sa kanya sa Laguna.” 

 

Narito ang post ni Raquel:

Samantala, hindi pa alam ni Raquel kung alam na nga ba ng kanyang anak na si Jake ang nangyari sa lola nito. Dahil ayon kay Raquel, matagal na silang walang komunikasyon ng anak.

Ngayon ay hindi pa nalalagak sa huling hantungan si Lola Teopista dahil hinihintay pa ni Raquel na malaman ng kanyang anak ang nangyari.

Plano ni Raquel na ipacremate na lang nanay nito kung sakali.

RELATED: Jake Zyrus, nanggigil sa netizen na kinumpara si Jake ngayon sa Charice noon

 

Isa ang pamilya ni Jake Zyrus sa matinding naapektuhan ng pandemya. Kaya naman kumakatok ang pamilya nila sa mga may busilak na puso upang makahingi ng tulong pinansyal para kay Lola Teopista.

Si Charice o Jake ay kilalang malapit sa lola nito dahil sa ito ang halos nagpalaki sa kanya noon.

Nagkaroon man ng hindi pagkakaunawaan noon, siguradong hindi naman nawawala ang pagmamahal ni Jake para dito.

Nadine Lustre, ibinunyag ang sikat na vlogger na umano’y nanggamit, nambudol at nagn4kaw umano sa kanya

Heart Evangelista-Escudero may malaking rebelasyon tungkol sa pagsasama nila ng asawang si Chiz Escudero