in

Pokwang spotted sa dressing room ng GMA studio, magiging Kapuso na nga ba?

 

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang photo na ipinost ng comedienne and TV host na si Pokwang.

Pre-pandemic pa lang ay napapabalita nang lilipat si Pokwang sa Kapuso Network.

 

 

Magmula mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN naging usap-usapan na nga ang paglipat ni Pokwang sa GMA-7.

 

 

Nag-ugat ito nang mag-guest siya sa segment na “Bawal Judgemental” ng Eat Bulaga.

Mas lalo namang uminit ang usapin nang mamataan si Pokwang sa building ng GMA Network.

 

 

Ito ay kaugnay sa kanyang post sa Instagram.

Makikita sa larawan ang komedyana na naka-finger heart habang nasa loob ng dressing room. Tanaw rin sa photo ang GMA Network building kaya hinuha ng mga Netizens na posibleng pamilyar na area na nangangahugan umano na nasa annex building s’ya ng Kapuso network nang siya ay nag-selfie.

 

 

Kalakip ng IG post ay ang kanyang pasasalamat dahil sinagot daw ng D’yos ang kanyang mga dasal.

Saad niya sa kanyang caption, “Goodmorning 🙏🏼❤️ minsan di ko alam talaga kung deserve ko nga talaga lahat ng biyaya at mga dasal na sinasagot mo Lord God 🙏🏼 pero sa pagkakaalam ko nararapat lang na ikay pasalamat sa lahat ng ganap sa aking buhay maganda man o hindi dahil alam ko lahat ng ito ay pagmamahal mo ang dahilan kaya naririto ako at nakaka survive 🙏🏼 i love you at salamat po….. #Backtowork

 

 

Maraming fans and celebrity friends ni Pokwang ang nag-congratulate sa kanya at deserve daw n’ya ang natatanggap na blessings habang nag-komento naman ng “Wowowowow! Welcome!” si Kapuso actress Carla Abellana.

 

 

Sa ngayon ay wala pang detalye kung saang programa ba ng GMA-7 lalabas si Pokwang.

 

 

O kung guesting lang ba ito, project-based, o exclusive contract na.

Nang dahil sa sobrang selos ng kasintahan, lalaki pinakuan ang upuan ng kanyang motorsiklo

Ogie Alcasid, Ibinuking ang itsura ng asawang si Regine pag walang make up